^

PSN Showbiz

Request na kanta kay Lea umabot ng 5,000

-

MANILA, Philippines - Mayroong mga kanta na gusto nating madinig kay Lea Salonga lang mismo. Bago man o luma na. Maganda rin kung ang kanta na iparirinig niya ng live ay hindi pa niya nakakanta noon at hindi aakalaing makakanta niya ngayon.

Mukhang matutupad iyan sa isang gabi na puno ng sorpresa sa produksiyon ng AmbientMedia na Lea Salonga… Your Songs, isang espesyal na konsiyerto na gaganapin sa Dec. 11 at 12 ng PICC Plenary Hall.

Umabot sa 5,000 song requests sa buong mundo mula sa mga fans ang gustong marinig na kinakanta ng idolo nila ang mga kakaibang awitin tulad ng Poker Face ni Lady Gaga at kahit ang mga kontemporaryong Pinoy rock songs.

Magpe-perform si Lea sa direksiyon ng kapatid na si Gerard Salonga kasama ang 36-piece orchestra na FILharmoniKa. Special guest naman ng international singer ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas, ang balladeer na si Richard Poon, at ang award-winning dance group na Philippine All Stars.

Ang detalye para sa Lea Salonga… Your Songs concert ay maaaring mabasa sa www.leayoursongs.com at ang tiket ay mabibili na sa Ticketworld.

vuukle comment

COMEDY CONCERT QUEEN

GERARD SALONGA

LADY GAGA

LEA SALONGA

MAGANDA

PHILIPPINE ALL STARS

PLENARY HALL

POKER FACE

RICHARD POON

YOUR SONGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with