^

PSN Showbiz

Pinagbalat ng hipon at talangka, Vic pinagsilbihan si Cristine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Aminado si Cristine Reyes na pampered siya kay Vic Sotto sa shooting ng Ang Darling Kong Aswang. Isa sa ginawa ng TV host/actor na ikinatuwa niya ay nang pinagtalupan siya ng hipon dahil tinatamad siya. Nakita raw ni bossing na siya lang ang hindi kumakain ng hipon at nang malaman ang rason, agad siyang ipinagbalat.

Naulit ‘yun nang may magdala ng talangka na hindi pa natitikman ni Cristine kaya ayaw kumain. Ang ginawa ni Vic, inalis ang mga paa at shell ng talangka saka ibinigay sa kanya.

Ikinatuwa rin ni Cristine na pinuri ni Vic ang pagiging propesyonal niya sa shooting. Sabi nito: “Hindi ko ini-expect na sasabihin niya ‘yun at sobra akong natuwa. Nakikita niya ang hindi nakikita ng ibang tao at nakita niyang ‘di ako pasaway.”

Entry sa MMFF ang movie sa direksiyon ni Tony Reyes at co-produced ng M-Zet TV Productions ni Vic, OctoArts Films ni Orly Ilacad at APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera.

* * *

Hindi muna tatanggap ng teleserye si Dingdong Dantes habang umeere pa ang Family Feud dahil ‘di raw maganda na twice siyang makikita from Monday to Friday. Sa November 30, na siya magho-host ng game show at may Stairway to Heaven pa, pero sabi ng actor, two weeks lang mag-o-overlap ang mga show niya, kaya pagpasensiyahan na raw ng viewers.

Balak kausapin ni Dingdong si Richard Gomez na pinalitan niyang host sa FF before Monday bilang courtesy. Five episodes 1 one day ang tini-tape ni Dingdong for FF, nakakapagod daw, pero masaya.

Matutuwa tiyak ang fans nina Dingdong at Marian Rivera sa sinabi ni Dingdong na mas excited siyang makapareha si Marian for his next soap, kesa sundan agad ang tambalan nila ni Rhian Ramos. Kaugnay nito, ipinakita raw ng GMA 7 sa Philippine Advertising Congress na Endless Love ang balik-tambalan nina Dingdong at Marian pero siguro Autumn In My Heart ang kanilang gagawin dahil una ito sa Endless Love series.

* * *

Kuwento ng manager niyang si Wyngard Tracy, napatingin na lang sa langit si Richard Gomez nang makarating ang balitang ni-reverse ng Supreme Court ang ruling ng Comelec na nagbabawal sa mga artistang kakandidato sa 2010 elections na lumabas pa sa TV at movies ‘pag nag-file na ng candidacy.

Iniwan ni Goma ang Family Feud dahil sa ruling ng Comelec, ‘yun pala puwede pa siyang lumabas sa TV up to March, eh hanggang April ang game show.

Samantala, nag-oath-taking si Goma sa Liberal Party at si Kris Aquino ang kumumbinse sa kanya na sumanib sa LP. At least, hindi maaapektuhan ang friendship nina Kris at Lucy Torres-Gomez kung sa ibang partido tatakbong congressman sa 4th district ng Leyte si Goma.

Curious ang friend namin kung nagkita sina Goma at Sharon Cuneta sa oath-taking ni Goma dahil sabay yata ang oath-taking nina Gov. Vilma Santos at Ralph Recto at dumating sina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon. Same political party na sina Sharon at Goma.

Present siyempre si Kris na ipinagmalaking siya ang kumumbinse kay Vilma na sumanib sa LP.

* * *

Magandang birthday gift ng ABS-CBN kay Ejay Falcon na 20 years old na noong November 21, ang bagong soap nila nina Erich Gonzales at Enchong Dee na Tanging Yaman. Dala raw ng success ng Katorse, kaya may kasunod na silang soap.

Ayaw magpadala sa intriga si Ejay na natatabunan siya sa acting ni Enchong dahil friends sila at binibigyan siya nito ng acting tips. Nakatulong sa kanya ang mga comment na bano siyang umarte dahil lalo niyang ginagalingan ang trabaho.

* * *

Sa Full Time Moms, aalamin nina Christine Jacobs at Suzi Abrera kung bakit mas maraming nagpapakasal sa December. 

Monday to Friday, 7:30 p.m., napapanood ang Full Time Moms sa Q Channel 11.   

vuukle comment

ANG DARLING KONG ASWANG

AUTUMN IN MY HEART

CHRISTINE JACOBS

ENDLESS LOVE

FAMILY FEUD

FULL TIME MOMS

GOMA

RICHARD GOMEZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with