Darna mania, tuloy pa rin!
MANILA, Philippines - Mainit pa rin ang Darna Mania dahil sa makapigil-hiningang pakikipagsapalaran ng classic Pinay superhero.
Base sa data mula sa AGB Nielsen Philippines, nakapagtala ang Darna ng average household rating na 32.8% mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 30 sa Mega Manila. Idagdag pa na sa nasabing buwan ay nakapagtala ang Darna ng audience share rating na 47.1% at may projected viewers na 1,269,988.
Ang tuluy-tuloy na Darna Mania ay hindi lang dahil sa powerhouse cast ng programa na pinangungunahan ng Primetime Queen na si Marian Rivera bilang Narda at Darna kundi pati na ang kaabang-abang na kuwento nito.
Lalo pang umiigting ang istorya dahil ngayong nakuha na ni Darna ang mga kapangyarihang kailangan niya, mas marami namang darating na pagsubok sa buhay niya.
Nagbalik na sa buhay ni Narda si Pancho (Dennis Trillo), ang kababata niya sa ampunan na isa na ngayong pulis at tutulong para mapanatili ang kapayapaan sa San Martin. Pero kung nasugpo na ni Darna ang mga supervillains na sina Babaeng Impakta (Nadine Samonte), Babaeng Lawin (Ehra Madrigal) at Babaeng Tuod (Francine Prieto), paano kung dumating ang isa sa mga matinding supervillains na si Babaeng Linta (Maggie Wilson)? Makaya kaya ni Darna ang palabang halimaw na ito?
- Latest