^

PSN Showbiz

Head writer ng ABS-CBN at GMA-7 sabay nag-alsa balutan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kumpirmado ang pagre-resign sa GMA 7 ni Jun Lana bilang headwriter/ con­sultant sa maraming shows ng network. Unang nabalitang lilipat sa TV5, pero ang latest, he’s open for other offers. Pero tatapusin nito ang kon­trata sa Chan­nel 7 at consultants nga sila ni Annette Abrogar ng Full House. Hindi pera, kundi growth daw ang rason nang pagre-resign ni Jun.

Kasabay ng balitang pagre-resign ni Jun sa Channel 7 ang balitang nag-resign din si Jake Tordesillas sa ABS-CBN para lumipat naman sa Channel 7. May mga kasama raw scriptwriters ng Dos si Jake sa paglipat niya sa Kapuso network.

May feeling kaming hindi lang para sa TV interesado ang TV5 kay Jun, pati rin sa balak na pagpo-produce ng pelikula ng network.

Sa ginanap na Philippine Advertising Congress, nabanggit ni Mr. Manny Pangilinan, owner ng TV5 na papasukin din nila ang pelikula at 10 movies ang balak i-produce next year.

* * *

Enjoy si Patrick Garcia sa Luigi role niya sa Full House dahil very light at kung may drama man, hindi masyadong mabigat sa dibdib. Pinanood niya ang original version ng Korean series para malaman lang kung paano ang atake ng Korean male actor sa karakter na gagampanan para magka-idea siya at para ‘di masabing ginagaya niya ito. 

Kuwento nito, masaya ang taping nila sa Prague kasama sina Richard Gutierrez, Isabel Oli at Heart Evangelista at buong staff ng show. Maganda raw sa Prague at marami siyang kinunang picture. Problema lang ang communication.

Nabanggit ni Patrick na ibinibili niya ng toys ang anak na si AJ na kanyang iniipon at balak dalhin ng personal sa bahay ni Jennylyn Mercado. Ang latest niyang binili ay chopper toy para sa anak. Sa TV pa lang niya nakikita ang anak at very proud siya rito.

* * *

Ipinagmalaki ni Heart Evangelista na hindi lang siya artista sa taping ng Full House sa Prague dahil nag-P.A. siya, tumulong sa art department at sa continuity all for the love of the show. Dahil din sa ika­gaganda ng show kaya pumayag siya sa mahabang kissing scene nila ni Richard Gutierrez na kinunan sa gitna ng square at maraming turista ang nanood.

Wala sa script ang kissing scene at naisip lang ni direk Mark Reyes. Naloka si Heart dahil nagpalak­pakan ang tao at kinunan sila ng litrato. Sa Monday na after Darna ang pilot ng Full House na tatakbo ng 13 weeks.

Maganda ang sinabi ni Heart patungkol kay Richard. Sabi nito: “He’s a normal guy, he has normal needs and wants. I know a lot have been said about him, but he’s a good guy. He’s just a big celebrity, kaya lahat nang gawin niya ay pinapalaki.”

* * *

Wala na rin pala sa ABS-CBN si Carlo Gue­varra, boyfriend ni Daiana Meneses at winner ng Be Bench ng Dos. Ang balita, lilipat na ito sa GMA 7, pero wala raw kinalaman si Daiana sa kagus­tuhang lumipat dahil gusto lang niyang i-try maka­trabaho ang Kapuso talents. Ang manager ni Daiana na rin ang manager ni Carlo.

Kaya pala walang takot si Carlo na magpakita sa finals ng Survivor Philippines: Palau dahil mag-o-ober da bakod na pala. Hindi na rin siya Bench endorser, kaya open siya sa offers na mag-endorse ng ibang clothing apparel.

vuukle comment

ANNETTE ABROGAR

BE BENCH

CARLO GUE

DAIANA

DAIANA MENESES

FULL HOUSE

HEART EVANGELISTA

ISABEL OLI

RICHARD GUTIERREZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with