Dion napapansin na
MANILA, Philippines - Gumaganda ang career ng young actor na si Dion Ignacio dahil matapos ang kapapalabas na Patient X ay siya ngayon ang endorser ng Vice Versa clothing apparel.
Napili ang aktor na mula sa GMA 7 dahil tulad ng T-shirt line, si Dion ay tahimik lamang pero may sariling niche following sa industriya dahil sa angking talento at hitsura.
Adventurous at buhay na buhay din ang imahe ng Vice Versa na bagay sa mga lalaking edad kinse hanggang kwarenta. Maganda ang mga kulay ng T-shirt na gawa ng Perfect Touch Garment Ind., Inc. at komportableng isuot.
Makikita ang mga posters ni Dion sa mga Vice Versa stores na available sa Robinsons Department, Isetann Recto, Ever Grand Central, Ocampo’s Metro Mall, Centro Group, Total Group, Mart I Group, N.E. Emporia, at Poulex.
- Latest