Jake na-insecure, Jolo kahon-kahon ang pinadadalang pagkain kay Melissa
Simula nang makitang umiiyak si Jinkee Pacquiao sa Misa na ginanap para ipagdiwang ang tagumpay ni Manny Pacquiao sa naging laban niya kay Miguel Cotto ng Puerto Rico ay hindi na nawala ang pagkakaturo ng mga daliri kay Krista Ranillo, lahat nag-aakusang siya ang dahilan ng kalungkutan ng dapat sana ay nagsasayang ginang.
Matagal nang nababalita ang relasyon na namamagitan kina Manny at Krista na sinasabing ispesyal at nagsimula nang magkasama sila sa pelikulang Wapakman. Lalong uminit ang isyu nang makasama si Krista sa Team Pacquiao na pumunta ng Las Vegas para manood ng laban ni Manny. Pero nun lamang umiyak si Jinky at saka lamang nakita na may malubha ngang problema sa pagitan ng mag-asawa.
Nagkataon namang ang homily ng paring nagmisa ay tungkol sa relasyon ng mag-asawa kung kaya naka-relate marahil si Jinky at napaiyak.
Isang hero’s welcome ang dinatnan ni Manny pagdating niya kahapon. Pero kasabay ng marangyang pagsalubong ay ang matinding isyu na hindi niya binigyan linaw. Wala ring sagot ang kampo ni Krista na magsasalita lamang kapag nagsalita na raw si Manny.
Si Krista nga pala ay hindi kasabay na dumating ni Manny at ng Team Pacquiao. Nagpahuli ito at sa Martes pa raw darating.
Ito ang pinakakaabangan ng lahat.
* * *
Hindi rin daw tumigil ng panliligaw si Jake Cuenca kay Melissa Ricks. For a while ay nawala ang focus sa kanilang dalawa, bumalik lamang nang mabalitang nililigawan na si Melissa ng kanyang kapareha sa Pepeng Agimat na si Jolo Revilla.
Naaapektuhan na raw si Jake dahil mas malimit magkasama ang dalawa dahil sa kanilang trabaho at tulad ni Jake, panay daw ang padala kay Melissa ni Jolo ng pagkain. Kahon-kahon daw at sa rami ay kaya nang pakainin ang buong produksiyon. Di ba ganito rin ang istilo ni Jake? Kaya siguro may takot na siyang nararamdaman.
* * *
Napaka-suwerte naman ni Empress Schuck, nakasama siya sa cast ng isang matinding episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood ang first part ngayong gabi. Yes, this is a special two-part series tungkol kay nanay Curing na ang ilang henerasyon ng kanyang buhay ay ikukwento niya sa award winning drama anthology.
Maraming adjustments na ginawa si Empress para magampanan ang kanyang role ng isang makalumang babae.
“Ang gagaling pa ng mga kasama ko, ayaw ko namang mapag-iwanan kaya panay ang tanong ko kung paano ko iha-handle ang role,” sabi ni Empress.
- Latest