Ellen Degeneres niregaluhan ng bunot na jewelry box ni Rhap Salazar
Talaga sigurong sa larangan ng musika mas madaling maitataas ng Pinoy ang ating bansa. Ito naman ay matapos mamayani si Manny Pacquiao sa larong boksing, tinalo niya ang Puerto Rican na si Miguel Cotto at makuha dito ang kanyang ikapitong championship belt para sa weight division na pinasok niya.
Ang two time World Championship of the Performing Arts (WCOPA) champion na si Rhap Salazar ang sumunod na itinampok sa The Ellen Degeneres Show na kung saan ay binigyan siya ng mga manonood ng isang standing ovation matapos niyang kantahin ang All By Myself.
Sa rehearsal pa lamang ni Rhap for his guesting sa programa ni Ellen ay pinanood na siya ng personal ng sikat na host na hindi nito dating ginagawa sa kanyang mga guest. Matatandaan na bago si Rhap ay si Charice Pempengco ang isa pang Pilipino na nakapag-guest sa show ni Ellen.
Katulad ni Rhap ay hinangaan din ito sa nasabing palabas. Pero kung si Rhap ay hinahangaan ni Ellen at baka matulungan nitong makilala sa international scene, ang popular naman na talk show host na si Oprah Winfrey ang nagsisilbing godmother ni Charice sa abroad.
Bago kumanta si Rhap ay binigyan niya ng regalong isang jewelry box si Ellen na gawa mula sa bunot. Sa card na kalakip nito ay sinabi niya ang kagustuhan niyang makakanta sa programa nito na magiging katuparan ng isa niyang malaon at malaking pangarap sa buhay.
Pagkatapos ng kanyang performance sa show ni Ellen, may mga alok nang tinatanggap ang unang nag-kampeon sa Little Big Star ng ABS-CBN at siyang kumakanta ng theme song ng Western Union na pinamagatang Galing ng Pinoy.
* * *
Nag-last taping day na pala ang Lovers in Paris, ang serye ng ABS-CBN na kung saan sinasabi ni Piolo Pascual ay nakatagpo siya ng pag-ibig. Pero dahil ayaw niyang maagaw nito ang pansin ng manonood sa serye kung kaya hindi niya niligawan ang kanyang kaparehang si KC Concepcion who took care of him in the series.
Ipinagdadala siya ni KC ng food sa set. Lahat ng kanyang ginawa tulad nang pagdadala dito ng one year supply ng mamahaling pabango ay nagpapakita ng kinikimkim niyang damdamin sa kanyang kapareha.
Sa pagtatapos ng Lovers in Paris ay magawa na kaya niyang i-pursue ang kanyang nararamdaman para sa anak ni Mega (Sharon Cuneta) na wala namang tutol kung sakali mang ligawan niya ang panganay nito?
Totoo kaya ang nabalitaan ko na hindi susundin ng local series ang ending ng orihinal na Koreanovela? Nadisappoint ang maraming manonood ng TV sa naging ending nito nun pero, ayon sa isang source na nakausap ko ay iibahin ang ending ng revived Lovers in Paris para matuwa ang maraming manonood nito at maiakma ang ending nito sa pusong Pinoy.
Sa serye, nakadiskubre na naman ang ABS-CBN ng mga magagaling na artista sa katauhan nina KC Concepcion, Assunta de Rossi, Rachel Ann Wolfe, at Maricar Reyes.
* * *
Limang araw na puno ng saya ang naghihintay sa buong pamilya sa pinakaaabangang World Pyro Olympics (WPO) 2009.
Ito ay gaganapin sa Bonifacio Global City sa November 21, 28, December 5, 12, at 19 na lalahukan ng South Korea, China, Germany, Australia, Japan, U.S., Canada at ang defending champion na Italy.
Dalawang bansa ang magtutunggali bawat gabi. Sa finale sa December 19, magtatanghal ang La Mancha Group International (LMGI) na kinatawan ng Pilipinas na nanalo ng 2nd place sa 9th International Fireworks Festival sa Zagreb, Croatia nitong nakaraang Abril.
Ang WPO 2009 ay tinuguriang visual spectacle ay lalo pang nakaiigaya sa pagsalin ng musika o pyro musical.
- Latest