ABS-CBN gumawa ng Pinoy animation series
MANILA, Philippines - Kung dati ay minahal n’yo si Budong bilang Super Inggo, ngayong November 22, 10:30 ng umaga, pagkatapos ng Matanglawin ay makakasama n’yo siyang muli ngunit bilang isang anime character na.
Siguradong mage-enjoy ang buong pamilya sa special Super Inggo at ang Super Tropa animation series ng ABS-CBN.
Ang Super Inggo at ang Super Tropa ay ang kauna-unahang Pinoy anime series na mapapanood at patuloy na magbibigay inspirasyon sa bawat kabataang Pilipino na may puso sa pagtulong sa kapwa.
Pinagkagastusan ng Kapamilya network ang seryeng ito na may drama, action, at fantasy!
Thirteen weeks mapapanood ang adventures ni Budong.
“We are very proud of this project,” sabi ni Raymund Dizon, business unit head. “Talagang masasabi naming Pinoy na Pinoy ito.”
Tutukan ang pinakaunang animation series na ginawa mismo ng mga Pilipino para sa Pilipino.
Huwag palampasin ang Super Inggo at ang Super Tropa animation series simula November 22 (Linggo) sa ABS-CBN!
- Latest