^

PSN Showbiz

Vhong non-showbiz ang bago

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Dati-rati ako ang pinaka-maagang magbigay ng Christmas party sa press. Sinabi kong dati da­hil itinigil ko ito dahil sa kakapusan ng re­sources.

Hindi ko mabalewala o ‘di pansinin ang pana­nalo ko ng makalawang ulit ng best supporting actor sa Star Awards at FAMAS kung kaya sa kabila ng kahirapan ng panahon ay nagbigay ako ng thanksgiving party sa entertainment press na ginawa ko na ring maagang pagdiriwang ng Pasko, Christmas in November.

Hindi ito bongga kundi isang simpleng pasasalamat sa suporta ng media at ilang mga kaibigan sa showbiz na patuloy din sa kanilang suporta sa akin. May simpleng pa-dinner, isang maliit na raffle ng ilang mahahalagang premyo na hiningi ko sa malalapit na kaibigan.

Masaya naman ang mga nanalo.

Nakita kong masaya naman ang lahat kahit na-bore sa aking palagiang kuwento ng aking pagsisimula sa showbiz at ang hirap na pinagdaanan ko.

* * *

Balitang mayroong bagong idini-date ang dancer-comedian na si Vhong Navarro na isang non-showbiz girl. Anim na buwan na silang lumalabas at sana mauwi na ang paglabas-labas nila sa toto­­hanan para magkaroon na rin ng kulay ang lovelife ni Vhong ma­tapos siyang makipaghiwalay kay Desiree del Valle.

* * *

Bigatin na talaga si Imelda Papin. Kung nung una akong pumunta ng Las Vegas ay ipinasundo niya ako sa isang limousine, ganito rin ang ginawa niya kay Mommy D (Dionisia Pacquiao, ina ni Manny) na pumunta ng Vegas para suportahan sa kanyang laban ang kanyang anak. 

vuukle comment

BALITANG

BIGATIN

DIONISIA PACQUIAO

IMELDA PAPIN

LAS VEGAS

MASAYA

MOMMY D

NAKITA

STAR AWARDS

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with