^

PSN Showbiz

Manny 'di idinenay si Krista: 'Walang pakialaman'

-

MANILA, Philippines - Patok ngayon sa You Tube ang video ni Manny Pacquiao na nakasakay sa kanyang black Mercedez Benz kasama ang isang babae na nakaupo sa front seat na nagtatakip ng mukha at halatang nagtatago sa mga taong tinatawag ang pangalan ni Manny paalis sa programa ni Jimmy Kimmel nang mag-guest ito kamakailan.

Iisa ang hula ng marami. Hindi na raw kailangang gumamit ng bolang kristal para hulaan kung sino ang nasa video na kasama ng boksingero.

Hindi raw puwedeng maging si Jinkee ang pasahero dahil matagal na ang nasabing guesting ni Pacman sa nasabing programa. Eh kelan lang pumunta ng Amerika si Jinkee na nagsabi noon na hindi nga siya manonood. Pero tumuloy pa rin siya ng Amerika.

At lalong hindi naman daw yun si Ara Mina dahil hindi ito nagpunta ng Amerika.

So ang sigaw ng mga nakapanood, confirmed na si Krista nga. Sa hugis pa lang ng mukha.

At nang tanungin si Manny tungkol sa nasabing issue sa kanila ni Krista ni Ms. Dyan Castillejo sa TV Patrol na ipinalabas kagabi, walang denial si Manny.

Ang pakiusap niya, sana raw ay tigilan na crab mentality at trabaho na lang ang asikasuhin. Wala rin daw pakialaman.

So ibig sabihin, hindi niya talaga diretsahang maitanggi ang nasabing issue sa kanila ng sexy actress na bagong bida sa Ginebra calendar.

Talaga naman kasing kaakit-akit at nakapang-iinit ng dugo ang ginawang posing ni Krista sa nasabing 2010 calendar ng Ginebra San Miguel. Kasing init ng balita sa kanila ni Pacman. Nakakapaso.

Kahit pa maamong mukha niya ay ayos na sa ibang kalalakihan na makukuha na sa mga suking tindahan, kung saan mabibili rin ang pampainit na Ginebra San Miguel.

Hindi na bago kay Krista ang ilantad ang kanyang sarili. Lumabas na siya sa seksing pelikula na pinamagatang Paupahan at nag-pose na bilang cover girl sa mga magasin tulad ng FHM (August 2008) at Maxim (May 2009).

‘‘This is a big thing for me, a personal milestone in fact since I will be posing for Ginebra for the first time. This is true to boost my career even further as I will reach more Filipino fans,’’ sabi ni Krista, na nagtapos sa isang sikat na pamantasan kaya naman masasabi na isa siya sa beauty and brains sa local showbiz.

Si Krista ay karagdagan sa listahan ng Ginebra cover girls tulad nina Marian Rivera, Angelica Panganiban, Rufa Mae Quinto, Maureen Larrazabal, Rica Peralejo, at Iwa Motto.

Robin Alam Lahat Ng Trip Ni Kc Sa Mindanao

Ipinanganak na mayaman si KC Concepcion pero grabe ang ginagawa niyang malasakit sa mga nagugutom. Kinarir niya ang pagiging Ambassador ng World Food Programme ng United Nation.

Nakakarating siya ng Mindanao para tumulong magpakain sa mga nagugutom partikular na ang mga kabataan. At wala siyang takot pumunta sa nasabing lugar kahit maraming kinikidnap. Siguro nakakatulong ang tawag ni Tita Shirley (Kuan, ang kanyang manager) kay Robin Padilla (na gusto sana niyang makasama sa pelikula pero hindi puwede dahil naging lead­ing man na ito ng kanyang Mama Sharon) para makasiguro na magiging safe ang trip nila.

Nakalimang balik na siya ng Min­danao at sa awa ng Diyos parati naman silang safe na nakakabalik.

Kaya naman extra grateful siya to her tita Virgie Ramos, the lady behind the Swatch brand in the Philippines dahil bukod sa naging endorser siya ng na­sabing relos, makakatulong pa sila sa mga batang nagu­gutom. Sa nasabing collaboration nabuo ang KC Cares. Swatch Shares.

Ito ay bilang celebration na rin ng 20 successful years ng Swatch sa bansa at ang 10 is for nutritious meal for a hungry child.

Ayon kay KC, nagkakahalaga lang P10 to feed a hungry child for a day.

 Bawat bili ninyo ng Swatch watch mula sa kanilang Fall/Winter 2009 Collection will feed a child for an entire month.

“People always ask me what’s more important for me. My humanitarian work or my life in fashion, movies, music or TV, and I always say – why choose one if they can all work together, hand in hand? I am so thankful to Tita Virgie and Swatch for being real troopers in helping us fight child hunger in our country. Every 6 second a child dies of hunger, but with the help of Swatch, each second is a chance for us to feed and save a child,” sabi ni KC sa ginanap na launching kahapon ng KC Cares. Swatch Shares.

Si Angelina Jolie ang iniidolo niya pagdating sa kawanggawa.

Pero wala siyang planong gayahin ang pag-aampon nito. “Gusto ko namang tama ang gawin sa family life ko.” Meaning gusto niyang magkaasawa at magkaanak ng sarili. (SVA)

AMERIKA

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELINA JOLIE

GINEBRA

GINEBRA SAN MIGUEL

KRISTA

SIYA

SWATCH SHARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with