Susan Roces pinakamalungkot 'pag Disyembre
Tatlong araw mula ngayon ang kasado na sanang pag-alis ni Becky Aguila patungong Amerika kasama ang kanyang pamilya. Doon niya kasi nais ipagdiwang ang kanyang 51st birthday, but Becky will have to set her original plan aside.
Sinusulat ko ito’y “in hiding” muna ang mag-anak ng kontrobersyal na talent manager who fears for her dear life following the death threats na natatanggap na ng isa sa mga biktima ng Budol Budol Gang who initiated the entrapment operations.
Tiyempo naman na nung magbalik sa Pilipinas ang biktima ay naunsiyami ang dapat sana’y pambibiktima rin sa kanyang mga magulang, now in their ’80s, ng halagang aabot sa limang milyong piso or equivalent to their lifetime savings.
Sa ngayon, isini-secure muna ni Becky ang kanyang ina, her retired colonel-husband, at kambal na anak.
* * *
Born in 1941, turning 68 years old na this December si Ms. Susan Roces, Swannie to her peers and Manay Inday to her junior friends.
Widowed for five years already, ikinukunsidera ng tinaguriang Reyna ng Philippine Movies ang buwan ng Disyembre bilang pinakamalungkot as it is memorable. Sa buwang ito kasi sila ikinasal ng kabiyak na si Fernando Poe Jr., at ito rin ang buwan ng pagyao nito.
Hindi maiwasang itanong ng Startalk hosts na sina Ricky Lo, Lolit Solis, at Butch Francisco kung mula ba nung mabiyuda ang aktres ay merong nagpaparamdam sa kanya, hindi ang espiritu ni Da King ang kanilang tinutukoy.
Ani Tita Swannie, masaya na ang kanyang buhay, short of saying that being alone or spouseless does not necessarily mean having to look for someone to fill the vacuum.
* * *
Sa isang kaswal na umpukan ng mga reporters ay napag-usapan ang tsansa o kawalan nito ni Edu Manzano sa kanyang tatakbuhang puwesto, ang bise pangulo.
Early on, target talaga ni Edu ang senado, bilang isa sa mga manok na isinusulong ng administrasyon. Hindi pala si Batangas Governor Vilma Santos-Recto, dating kabiyak ng aktor, ang mapalad sa VP post kundi siya, this after names like DILG Ronnie Puno, Sen. Bong Revilla, and Sen. Loren Legarda were earlier eyed or courted to be DND Secretary Gibo Teodoro’s running mate.
Ang consensus sa tsikahang ’yon ng small group ng press: “Quantum leap” daw ang naging desisyon ni Edu, kundi man pamagat ng kolum ni Tita Emy Abuan dito sa PSN na suntok sa buwan!
Buti na lang, may phrase na “malay mo?” If it’s any consolation, ang mga katagang ito na lang ang nagpapalakas ng loob kay Edu in his ambitious pursuit… ambitious pursuit daw, o!
- Latest