^

PSN Showbiz

Laban ni Pacman over over ang commercial

-

MANILA, Philippines - Grabe tapos na tapos na ang laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas, hindi pa nag-uumpisang mapanood sa TV dito sa atin kahapon.

Halos alas-dos na ng hapon, hindi pa nag-uum­pisa ang coverage ng GMA 7. Inip na inip na ang mga hindi gumastos at lumabas ng bahay para mapa­nood ng live ang makasaysayang laban ni Pacman kay Miguel Cotto na napanalunan niya nang itigil ng referee ang laban sa ika-12th round dahil duguan na ang ilong ni Cotto at nauna nang pina­tumba sa 3rd round.

Over over kasi ang commercial sa nasabing coverage kaya yung mga nag-iinuman ng umaga pa lang ha­bang naghihintay sa laban, medyo hilo na nang pinapanood ang laban ng Pinoy boxing hero.

Pasado-alas tres na, round nine pa lang dito sa atin.

Pero in fairness, super ang pagkakakanta ng La Diva sa Lupang Hinirang. Ang galing ng blend­ing nila.

Magaling sila pero parang maluluwag ang mga suot nilang damit.

Si Ramiele Malubay naman ang kumanta ng national anthem ng Amerika.

Pero ang siste, wala silang mga pictures.

Ibig sabihin hindi nagka-interes ang mga photog­rapers sa kanila?

At buti na lang, nanalo si Pacman or else pagbu­buntunan ng sisi si Krista Ranillo at sa kanyang pamil­ya na maraming nakikitang rumarampa sa Las Vegas na hindi raw nagpakita sa laban ni Pacman.

Sa pagkapanalo ni Pacman, sigurado na rin ang panalo niya bilang congressman sa Saranggani.

Fans ni Marian nire-reklamo si Rhian

May reklamo ang fans ni Marian Rivera - gamit na gamit daw ang kanilang idolo sa promo ng Stairway to Heaven.

“Please stop using Marian Rivera’s name for the promotion of STH especially for the promotion of herself. (Rhian Ramos). If you are really a good person inside and out and very close to God how come even if Dingdong is taken already you don’t stop flirting and talking (w/ details talaga ha)! As if your kinikilig. STH deserves a high rating because of a unique unconditional love between Cholo and Jodi not Dingdong and Rhian, ur making illusions ha, and it doesn’t mean na you need to be in partn­ers in real.”

Hataw daw kasi ang rating ng STH sa kasa­lukuyan.

Based on overnight TV ratings data from AGB Nielsen Philippines’ for Mega Manila last November 12, Stairway to Heaven led all primetime programs with a household rating of 36.4%. Ipinalabas sa nasabing episode ang reunion ng   mag-sweethearts na sina Cholo and Jodi who have been separated for a long time.

This week, mas bongga raw,   maraming mapa­pa­nood na shocking twists and revelations in the love story of Cholo and Jodi. 

Pero bakit ba nagtatarayan ang mga fans eh mukhang hindi naman apektado ang kanilang mga idolo.

Besides parehong Kapuso stars ang dalawa kaya suportahan na lang nila.

Tom pinatalsik sa bahay ni Kuya

Pinatalsik na si Tom Mott sa Bahay ni Kuya. Lumabas siya noong Sabado kung saan sinalubong pa siya ng nakakamabutihang dating housemate na si Princess.

Pinatawan si Tom ng forced eviction matapos maging bayolente sa loob ng Big Brother house. Dinamdam nito ang pagkatalo ng grupo sa weekly task na Pinoy Big Battle kaya naman pinagsusuntok nito ang pader sa activity area ng bahay.

Heto pa. Kinailangan siyang isugod sa hospital dahil lumala ang naram­daman niyang pananakit ng ulo. Nakabalik si Tom bago ang 24 hours deadline at humingi ng paumanhin sa kanyang ginawa.

Isa si Tom sa mga housemate na unang pumasok sa House A kung saan naging close sila ni Princess. Pero nabalam ang nabubuong pagtitinginan ng dalawa nang ilipat si Tom sa House B.

Ngayong pareho na silang nasa labas, matuloy na kaya ang pinangakong date ni Tom kay Princess?

Uy for a change, normal guy ang gagampanan ni Richard Gutierrez sa kanyang upcoming GMA 7 show, ang Full House na base sa popular Korea­novela na pinangunahan ng sikat na actor/singer na si Jeong ‘Rain’ Ji-hoon.

At least pahinga muna siya sa pagiging superhero na maraming beses niyang ginawa. Dito normal siyang tatawa, iiyak at magagalit.

Richard normal sa Full House

Magiging love interest niya rito si Heart Evangelista na una naman ginampanan ni Song Hye Kyo.

By this time, malamang nakaalis na ang grupo nina Richard and Heart kasama ang director nilang si Mark Reyes papunta ng Prague, Czech Republic para doon kunan ang maraming eksena ng Full House.

Popular ang Prague sa mga Filipino as the site of Santo Niño de Praga, who has millions of devotee in the country.

Hmmm, parang nakakakilig ang kuwento ng romantic-comedy na ‘to – magkasama ang isang lalaki at babae sa iisang bahay at kasal sila ha, pero sa papel lang.

Actually sikat ang Full House sa maraming bansa sa Asya kaya nga kilalang-kilala si Rain sa loob at labas ng Korean na napili ng Time bilang isa sa 100 Most Influential People Who Shape Our World at pinangalanan ng People bilang isa sa Most Beautiful People. At napansin ang acting ni Rain dito - nanalo siya ng best actor trophy sa KBS acting awards.

Kaya tamang si Richard ang napili para sa role ni Rain na ibang-iba nga sa mga nagawa na niya sa Mulawin, Captain Barbell, Asero at Zorro. (SVA)

BIG BROTHER

CAPTAIN BARBELL

CHOLO AND JODI

FULL HOUSE

LAS VEGAS

MARIAN RIVERA

PACMAN

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with