^

PSN Showbiz

Ruffa tumangging maging kandidata ng Mrs. World, 'Di naman ako misis'

-

MANILA, Philippines - Nagkaroon pala ng offer si Ruffa Gutierrez na maging representative sa gaganaping Mrs. World 2009.

But she politely declined it dahil daw sa kanyang hec­tic schedule at hindi naman daw siya misis, sabay tawa ng TV host/actress.

Si Daisy Reyes ang napiling ipanlaban sa Mrs. World na hindi rin naman isang ganap na misis dahil hindi raw ito kasal ng ama ng anak ng dating actress/beauty queen. 

Pasko sa Snow World

Ang bilis ng panahon. Hindi natin namamalayan, Pasko na pala. Malamig na ang simoy ng hangin.

Kaya nga, maaagang nagsimula ang Pasko sa Snow World ng Star City nang buksan nito ang pinaka­bagong attraction na yari sa yelo. Ngayon daw ay makikita ang isang malaking Belen na yari sa yelo.

Ang Belen ay bahagi na ng Pasko natin sa tra­disyong Kristiyano simula pa noong ika-12 siglo kung kailan sinasabing ginawa ni San Francisco ng Assisi ang kauna-unahang Belen sa Italya. Si­mula noon, iba’t ibang klaseng Belen na ang ating nakita subali’t ito ang kauna-unahang pagka­kataon na nagkaroon ng Belen na gawa sa yelo.

Ang Belen ay nilikha ng mga iskultor na Pilipino, batay sa mga tradisyong Kristiyano. Makikita roon ang banal na sanggol, kasama ang Birheng Maria at si San Jose, ganoon din ang tatlong mago mula sa mga bansang silangan.

Hindi lang daw ‘yan, makikita rin sa Snow World ang isang recreation ng bahay ni Santa Clause sa North Pole, kung saan ang lahat ng mga bibisita ay may pagkakataong makapag-picture taking sa mis­mong bahay ni Santa Clause kuwento ni tito Ed De Leon.

Ang bahay ni Santa Clause na ginawa rin ng mga iskultor na Pilipino.

Paris Hilton pinanood si Pacman

Kabilang sina Paris Hilton, Hollywood actor Mark Wahlberg, ang musician na si Sean Combs sa mga ilan-ilang nanood na Hollywood celebrities sa laban ni Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa Las Vegas.

Andun din ang basketball superstar na si Magic Johnson.

Orig na Earth, Wind & Fire live uli sa Maynila

May concert pala ang ‘orig’ na Earth, Wind and Fire sa Manila titled The Original Earth, Wind & Fire Live In Manila sa December 5, alas-8:00 ng gabi sa Philippine International Convention Center (PICC) Reception Hall.

Ini-emphasize nilang orig dahil marami raw pekeng EWF na nagpapanggap. Kaya minarapat daw ng producer na Lifestyle 7 at Offshore Pro­duction na gamitin ang salitang ‘‘original.’’

Sino ba ang makakalimot sa mga hit songs na Reasons, Fantasy, September, Sing A Song, Boogie Wonderland, After the Love Has Gone, at Let’s Groove? Naging sikat sila noong dekada ’70 at nagwagi ng mga parangal mula sa Grammy at American Music Awards. 

Mabibili ang tikets para sa The Original Earth, Wind & Fire Live in Manila sa lahat ng Ticketworld outlets na nagkakahalaga ng P8,000 para sa VIP, P6,000 para sa Patron at P2,500 para sa Balcony. (SVA)

AFTER THE LOVE HAS GONE

ANG BELEN

BELEN

MRS. WORLD

ORIGINAL EARTH

PARIS HILTON

PASKO

SANTA CLAUSE

SNOW WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with