Petsa ng kasal ng dating asawa ni Ogie ibinuking ni Regine
Magkatapat sa Metro Manila Flm Festival ang pelikula nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla. Entry ng Comedy King ang Nobody, Nobody But…Juan at kasama naman si Zsa Zsa sa entry ng Regal na Mano Po 6 : My Mother’s Love. Pumayag si Dolphy dahil love nito si Sharon.
Super bad si Zsa Zsa rito, hindi ba siya natatakot sa galit ng fans ni Sharon Cuneta?
“Gusto ko nga magalit sila sa akin dahil ibig sabihin, I did a good job. Grabe ang confrontation namin at sorry Chin Chin (Gutierrez) and LT, pero mas grabe ang ginawa namin ni Sharon. Namaga ang left cheek ko at three days nagkulay berde. Kailangan kong maging super bad para mapansin ang karakter ko,” sabi ni Zsa Zsa.
Ni-reject ni Zsa Zsa ang Mano Po 6 nang unang i-offer sa kanya dahil may US tour sila dapat ni Dolphy, mabuti na lang at bumalik din sa kanya ang role, kung saan nakatikim sa kanya ng verbal abuse, suntok, sampal at saksak ang Megastar.
Payag ba siyang makasama si Chin-Chin?
“Why not! Kailangan lang pareho kaming bad at magsusuot ako ng maraming rings.”
Samantala, proud at 45 years old si Zsa Zsa at ang pino-problema lang ay ang pananaba, kaya on a diet na naman siya at Evian water at protein shake lang ang tini-take. “I’m 45 and sexy and sexier because of diet and because of Belo,” pahayag nito.
* * *
Sa November 21 na pala ang kasal nina Michelle van Eimeren at Mark Murrow, sabi ito ni Regine Velasquez na dadalo sa kasal sa Australia kasama si Ogie Alcasid. Hindi alam ni Ogie na ang sinisikreto nitong date ay sinabi ni Regine. Sa Nov. 18, na ang alis nila.
Samantala, ibinalita ni Ogie na sabay na ilo-launch sa ASAP at SOP ang music video ng Kaya Natin Ito sa November 22. Kasama sa music video sina Sharon Cuneta, Arnel Pineda, Charice Pempengco, Martin Nievera, Aga Muhlach, Gary Valenciano, Regine, Lea Salonga, at marami pa. Kasama dapat si Richard Gomez, pero na-edit ang participation dahil sa Comelec ruling. Si Dante Garcia ang director ng music video.
Aabot naman sa 84 ang performers sa fund-raising concert na tatagal ng two hours. Makakapag-perform daw lahat dahil kasama sa 84 performers ay mga banda.
* * *
Nag-zero vote si Jef Gaitan sa katatapos na Survivor Philippines: Palau dahil ang boto ng boyfriend niyang si Marvin Kiefer ay ibinigay kay Justine Ferrer. Nagpaka-loyal sa Koror tribe si Marvin at sa katribo niya ibinigay ang isa sa three votes ni Justine.
“No comment” at pinalitan ng “we’re kind of dating,” ang sagot ni Marvin sa relasyon nila ni Jef. Sure siyang hindi ito magagalit at maiintindihan kung bakit si Justine at hindi siya ang ibinoto. Representative raw kasi ng Koror si Justine.
Kung may magandang offer, susubukan ni Marvin ang showbiz. Hosting at ang mapasama sa teleserye ang gusto niya.
* * *
Nagandahan kami sa all-red poster ng Mano Po 6: My Mother’s Love, pero sabi ni Mother Lily, temporary pa ‘yun kaya pangalan pa lang ni Sharon Cuneta na above the title ang nakalagay. Pati pangalan ng director, hindi pa nakasulat.
Hindi pa raw sila makagawa ng poster dahil aayusin pa ang billing ng cast para walang magreklamo. Pero, walang kokontra kung mag-isa ang name ni Sharon sa first line at 100 percent ang laki ng letra.
“Sharon is really good in the movie,” sabi ni Mother Lily na sinang-ayunan ni Zsa Zsa Padilla ng “nakakamangha ang galing niya, nararamdaman at sobrang effective.”
- Latest