Talent manager natangayan ng P2.5 million ng sindikato
Habang nakikipagbuno ngayon si Becky Aguila sa kasong qualified theft na isinampa nila ni Jennylyn Mercado laban sa dati nilang tauhan, inaasikaso naman ng kontrobersyal na manager ang class suit sa inihain na nilang “syndicate estafa” laban sa tatlong miyembro umano ng Budol-Budol Gang na nambiktima sa kanya kamakailan.
Nitong Huwebes, nag-rally si Becky, along with other fellow victims, sa San Juan Police upang isulong ang non-bailable crime committed by the three suspects na nadakip sa isang entrapment operation. Pinaghahanap pa ang tatlo nitong mga kasabwat, kabilang ang dalawang Hapon.
As of last count, aabot sa P40 million ang nakulimbat ng sindikato mula sa mga biktimang pulos may mga kaya sa buhay, P2.5 million sa halagang iyon ang natangay kay Becky in exchange for 20 boxes na naglalaman pala ng mga expired liver spread sa halip na mga pearl growth enhancers.
Noong una, nakiusap pa sa inyong lingkod si Becky for two reasons : Una, tiyak daw na sasabihing resulta iyon ng kanyang stupidity, na hindi pa nagtanda mula sa umano’y panloloko sa kanya ni Mel Pulmano, at ikalawa, baka madiskaril daw ang isasagawang bitag ng pulisya kung malalaman ng mga suspek that they’re all over the papers.
Ang P2.5 million na natangay ng anim na suspek (with their call cards bearing their fictitious names, pero bongga kung mangumbinsi ng mga bibiktimahin nila!) ay pambayad sana ni Becky sa kanyang mga outstanding loans. Oo naman, it is such a huge sum na hard-earned money pa man din.
Here’s hoping na makamtan ni Becky, sampu ng mga tulad niyang biktima ang agarang hustisya, lalo pa’t limang araw mula ngayon ay patungong Amerika ang manager para ipagdiwang ang kanyang 51st birthday on Nov. 24.
Speaking of Becky, kabilang siya sa maraming biktima ng naturang sindikato na nagpatawag ng mini-presscon kahapon. Sa isang resto sa Tomas Morato, Quezon City. Sila ’yung isa-isang sumulpot sa himpilan ng San Juan hoping na bukod sa natimbog na tatlong suspek ay matunton din ang kinaroroonan ng tatlo pa nilang cohorts.
Sadly, nakapagpiyansa pala ang tatlo at tila nakapuslit na ng bansa ang mga hinihinalang masterminds.
Partikular na pinalagan ni Becky at iba pang mga biktima ang sistema sa isinagawang imbestigasyon mula sa pulisya hanggang sa piskalya, hence, ang ipinatawag nga nilang pagpupulong kahapon.
* * *
What do Vic Sotto, Lucy Torres-Gomez and Oyo Boy Sotto have in common? Silang tatlo lang naman ang mga pambato ngayon ng TV5 via their respective shows Who Wants to be a Millionare? Shall We Dance? and Midnight DJ.
Ang celebrity editions ng kina Bossing at Lucy ang pinakainabangan habang ang iba’t ibang kuwento ng katatakutan ang putaheng handog ni Oyo. Their shows’ ratings will speak for themselves.
- Latest