Pilit ang humor
MANILA, Philippines - Inaliw tayo ng Tanging Ina at ng sequel nito na Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Ngunit tila hindi nahuli ni Director Wenn Deramas ang kiliti ng kanyang dalawang obra sa Ang Tanging Pamilya.
Sa komedya, napakahalaga ng timing sa pag-deliver ng mga joke. Sa Ang Tanging Pamilya, asiwa ang timing kaya’t wala ang impact ng pagpapatawa. Ang director ang kumukumpas sa takbo ng eksena, kaya’t sa kanya bumabagsak ang malaking bahagi ng sisi.
Naapektuhan tuloy ang pangkalahatang daloy ng istorya. At dahil dito, pilit na pilit ang humor ng Ang Tanging Pamilya.
Ito rin marahil ang resulta kapag napakarami ng writers ang nagtulung-tulong sa screenplay. Anim ang nag-collaborate sa screenplay ng Ang Tanging Pamilya. Bakit? Hindi naman ito isang TV sitcom na nangangailangan ng maraming writers para maging kwela. Mas mabuti siguro kung isang matinding screenwriter na lang ang kinuha ng Star Cinema para sa pelikulang ito.
Sa kabila ng mga kakulangan ng movie, humataw pa rin si AiAi delas Alas, masasabing pinasan niya ang pelikula sa kanyang balikat. Unang-una, hindi talaga pang-comedy si ex-president Joseph Estrada, kaya nga nilagyan ng fight scenes para sa kanya. Pangalawa, nasayang ang tandem nina Sam Milby at Toni Gonzaga dahil napakanipis at corny ang kanilang lines.
Ang sorpresa ng Ang Tanging Pamilya ay si Mommy Dionisia. Totoo ngang natural siyang comedian. Konting hasa pa at puwede na siyang isabak sa larangan ng comedy.
Napansin ko rin na OA ang spoof mula sa pelikula ni Ate Vi. Sa una ay cute ito, pero pag nasobrahan ay nakakairita na. Sabi nga, kumita na ang gimik na ‘yan.
Malayo ang Ang Tanging Ina sa Kimmy Dora na sa palagay ko ay ang bagong batayan ng comedy films. Marami nang pelikula ang nagpapanggap na comedy, ngunit hindi naman pala nakakatawa.
P3 million sa Survivor naiuwi ng dating construction worker
Tapos na ang laban.
Naiuwi na ni Amanda Colley Van Cooll ang tatlong milyong peso (tax free) bilang pinakamautak, pinakamagaling at pinakamatatag na kalahok sa ikalawang Pinoy Sole Survivor sa Survivor Philippines : Palau sa ginanap na finale noong nakaraang Biyernes ng gabi.
Si Amanda na matagal na nagtrabaho bilang construction worker sa Alaska at tinaguriang Probinsiyanang Pinay sa Survivor Philippines : Palau ay nakakuha ng apat na boto. Natalo lang niya ng isang boto ang transsexual ‘beauty queen’ na si Justine Ferrer habang ang isa pang kasali sa Final Three na si Jef Gaitan ay hindi nakakuha ni isang boto sa pitong tumayong hurado na mga naunang natanggal sa nasabing labanan.
Nagsimulang magpakitang gilas si Amanda sa laban nang magsanib na ang dalawang tribo. Magkakasunod nitong naipanalo ang individual immunity at reward challenges na ikinabilib ng ilan nilang kasamahan.
Nakapasok din si Amanda sa Final Three nang maipanalo niya ang tie-breaker face-off challenge sa tribal council laban sa Raketistang si Charles de Vera Fernandez.
Noong una ay may mga nagsasabing si Amanda ang mananalo, pero mahirap hulaan dahil mainit ang labanan at kanya-kanyang utakan.
Nagsimula lang ang totoong laban ng Final Three sa pag-uwi nila sa Pilipinas. Hanggang noong Biyernes ng gabi sa ginanap na Live Finale, naging exciting at malaking palaisipan pa rin kung sino ang ibinoto ng jury.
Kahit ang host ng programa na si Paolo Bediones ay ramdam ang excitement dahil wala raw siyang kaalam-alam sa resulta ng botohan kaya’t naging makapigil-hininga ang naging deklarasyon kung sino ang mananalo. Naunang nagkaroon ng tatlong boto si Justine na nahabol ni Amanda.
At may natitira pang isa. Eh wala pang boto kay Jef kaya sinabi agad ni Paolo na sakaling si Jef ang nasa huling balota ay muling magbobotohan ang mga hurado.
Pero sa huli, si Amanda ang nagwagi.
Siya ang nanalo at nag-uwi ng pinakamalaking premyong tatlong milyong piso kasama na ang prestihiyosong titulo na Pinoy Sole Survivor.
Plano ni Amanda na gamitin ang kanyang napanalunan sa pagpapagawa ng bahay ng kanyang mga magulang at pagtatayo ng isang poultry farm sa Mindoro na matagal na ring nagtatrabahong caregiver sa Alaska.
Magkakaroon ng reunion ang buong cast sa Survivor Philippines: Palau the Reunion sa SNBO ngayong Linggo, November 15 pagkatapos ng Show Me the Manny sa GMA 7.
* * *
Nasa hospital pa rin hanggang kahapon si Cristine Reyes matapos sumama ang pakiramdam nito the other day kaya dinala sa Cardinal Santos Medical Center.
Kinailangan siyang i-x-ray dahil hindi raw ito gaanong makahinga. Pero na-weirduhan si Cristine na sampung male nurses at isang female ang nag-assist sa kanya sa nasabing x-ray room.
Pero bago sumama ang pakiramdam ni Cristine, may nakakita sa aktres sa nasabing Eastwood kasama ang mga kaibigan na kumakain. Ka-grupo umano ni Cristine si Ruffa Gutierrez. (SVA)
- Latest