^

PSN Showbiz

StarStruck V magpapagalingan na

-

MANILA, Philippines - Matapos ang pagka-excite ng Pilipinas na umabot hanggang ibang panig ng mundo ay mapapanood na ngayong araw, Nov. 15, ang mga pinagdaanan ng mga kalahok sa StarStruck V.

Ang bagong batch ng mga gustong magbakasakali sa showbiz ay mula sa US (LA, San Francisco, at New Jersey), Japan, Singapore, at Middle East (Bahrain, Abu Dhabi, Dubai).

Ang ikalimang season ng StarStruck ay iho-host nina Dennis Trillo, Carla Abellana, at Raymond Gutierrez. Sina Dennis at Carla ang mga hosts tuwing Linggo at si Raymond naman ang nakatoka sa lahat ng Saturday episodes kasama ang mga alumni na sina Mark Herras, LJ Reyes, Arci Muñoz, at Paolo Avelino.

Sa loob ng 14 linggo, magpapagalingan ang mga contestants sa apat na kategorya: Singing, dancing, acting, at imaging. At lahat sila ay babantayan ng StarStruck Council na sina Direk Floy Quintos, actress Iza Calzado, at talent manager Lolit Solis. Nakasalalay ang kapalaran nila sa council at sa mga boto mula sa audience.

Dalawa ang mapipiling mananalo — The Ultimate Male and Female survivors — sa two-hour Final Judgment Night sa Araneta Coliseum. Milyun-milyon ang cash prize na makukuha at may management contract pa sa GMA 7. 

ABU DHABI

ARANETA COLISEUM

ARCI MU

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

FINAL JUDGMENT NIGHT

FLOY QUINTOS

IZA CALZADO

LOLIT SOLIS

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with