Aktor dedma sa ka-loveteam pag wala silang project
Nakita namin ang young actress na half ng isang popular teen love team kasama ang mga kaibigan. Kinumusta namin sa kanya ang ka-loveteam at may lungkot sa mga mata ang sagot nitong “aywan ko, hindi siya nagpaparamdam sa akin. Hindi nga sinasagot ang text ko.”
Walang away at ganun talaga ang relasyon nila, deadmahan ‘pag wala silang project na magkasama. Nagiging sweet lang ang young actor sa kapareha ‘pag may TV show o pelikula silang ginagawa at dahil malapit na nilang simulan ang bago nilang soap, siguradong mag-iiba ang pakikitungo nito sa young actress. How sad!
Sabagay, tanggap naman ng young actress na pang-fans at pang-project lang ang sweetness sa kanya ng actor dahil may matagal na itong GF na totoo yatang mahal dahil hindi mahiwalayan kahit inuutusan siyang hiwalayan para ang ka-love team ang ligawan.
* * *
Hindi lang sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos ang maligaya sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Stairway to Heaven at noong Huwebes nga ay nakakuha ito ng 36.4 percent. Masaya rin ang buong staff at si direk Joyce Bernal na wala na yatang life ‘pag nagdidirek ng soap.
Malapit nang magtapos ang STH, pero marami pang mangyayari at heavy drama scenes up to the end, lalo na’t inuwi na si Jodi (Rhian) ni Jovan (Jestoni Alarcon) sa bahay nila at siya ang pakakasalan ni Cholo (Dingdong).
Inalam namin kay direk Joyce kung kailan niya sisimulan ang shooting ng Star Cinema movie nina Robin Padilla at Toni Gonzaga. “Next year na ‘yun, ‘di kaya ng schedule ko,” sagot nito, so ibig sabihin, hindi matutuloy ang November 26 first shooting day schedule.
Dagdag pa ni direk Joyce after STH, tatapusin niya muna ang movie nina Aga Muhlach at Regine Velasquez ng Viva Films at GMA Films na 50 percent ng tapos. Ang alam niyang title nito’y Of All the Things.
* * *
Si Amanda Colley van Cooll ang nanalo sa Survivor Philippines: Palau at ang Pinay Sole Survivor. With her P3 million tax-free winning money, hindi na magpupunas ng puwit ng matatanda ang mom niyang caregiver sa Alaska at makakapag-bakasyon na rin ang ama niyang tuluy-tuloy sa pagta-trabaho para may pera sila.
Magbabayad din ng naiwang utang niya sa Alaska si Amanda at magbubukas ng chicken farm sa Mindoro. Hindi ini-expect ni Amanda na siya ang mananalo dahil malakas ang nakalaban niyang si Justine Ferrer, samantalang zero vote naman si Jef Gaitan.
“Kahit sabihin nilang pangit akong maglakad, na baduy ako at tomboy ako, okey lang sa akin. At least, hindi ako nagdedepende sa ibang tao para magkapera. I earned everything I have the hard way. I work 10 to 12 hours a day as a construction worker,” sabi ni Amanda.
Ang alam ni Amanda, sina Mika Batchelor, Tara Macias, Shaun Rodriguez ang bumoto sa kanya at ‘di alam kung kaninong boto ang nagpapanalo sa kanya at nagpapasalamat siya sa mga ito. Kung may chance makapasok sa showbiz, gusto ni Amanda mag-host ng gaya sa Born to be Wild, pero ‘di niya ma-imagine gagawin silang magka-love team ni JC Tiuseco, ang 1st Sole Survivor. Hindi raw siya pang-love team.
* * *
Pilot na mamaya ng StarStruck V at ang audition sa Manila, key cities ng bansa at pati international audition muna ang ipakikita. Ipakikilala rin ang hosts na sina Raymond Gutierrez (pang-Saturday) at Carla Abellana at Dennis Trillo (pang-Sunday).
Ipi-present din ang segment hosts na sina Mark Herras, Arci Muñoz, Paulo Avelino at LJ Reyes.
Council members sina Lolit Solis, Iza Calzado at direk Floy Quintos at mentors sina Gina Alajar, Abbygale Arenas-de Leon, Jai Sabas-Aracama, Barbi Chan at Douglas Nierras.
- Latest