^

PSN Showbiz

Abot tanaw ni Pacquiao

-

MANILA, Philippines -  Ang international boxing champ na si Manny Pacquiao ay nakilala na hindi lang sa boxing ring kundi pati na rin sa pagbubuklod niya sa sambayanang Pili­­pino. Dito man o sa ibang bansa, nagkakaisa ang lahat ng Pinoy para kay Manny.

Ito rin ang dahilan kung bakit naging supporter din ang People’s Champ ng Abot Tanaw, ang video conferencing service facility na naglalayong pagdugtungin ang linya ng pamilyang Pinoy — libre — local man o abroad.

“Tayong mga Pilipino ay very close sa ating pamilya’t mga minamahal sa bu­hay. We always think about them when we are far from them. So when we miss them, we always look   to talk to each other more often. Kailangan natin silang Makita kahit sandali,” sabi ni Manny.

Ang Pinoy icon na si Manny ang standard bearer ngayon ng Abot Tanaw para maipaalam sa masa na may ganitong uri ng komunikasyon sa Metro Manila, probinsiya, at labas ng bansa.

Ayon kay Kim Go, CEO ng Abot Tanaw: “Pacman has greatly contributed to uniting the Filipinos and that is what Abot Tanaw is all about. And we are really glad that he has shown great interest in our concept and efforts of putting a high regard for our modern day heroes, for in effect he is a hero to our nation’s pride.”

Ang Abot Tanaw ay gumagamit ng web-based tech­­nology para makapagbigay ng libreng komu­nikasyon na hindi na kailangan ng mamahaling mobile at internet subscription o investment sa hardware. Ang serbisyo ay mula sa seamless video conferencing at web-enabled phone transmission na galing sa Philippine Long Distance Telephone (PLDT) connection. Malinaw ang video at malakas ang tunog ng audio ng Abot Tanaw.

ABOT

ABOT TANAW

ANG ABOT TANAW

ANG PINOY

AYON

KIM GO

METRO MANILA

PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with