^

PSN Showbiz

Krista rumarampa sa Las Vegas na naka-Chanel bag kasama ang pamilya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mama Salve, fresh from Las Vegas ang news na natanggap ko kahapon ng umaga. Na-sight daw doon si Krista Ranillo, ang kanyang mga ma­gu­lang at kapatid dahil manonood sila ng pakikipag­sagupa ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto.

Alam mo ba ang napansin ng mga nakakilala kay Krista? Ang kanyang mamahalin na Chanel bag! Nag-graduate na raw si Krista sa Louis Vuitton bags dahil mas expensive na brand ng bag ang kanyang ginagamit.

Kinaiinggitan si Krista dahil maliban sa kanyang Chanel bag, business class ang airplane travel niya papunta sa Las Vegas.

May isang hitad daw na nag-dialogue na talbog ni Krista ang La Diva dahil kung sa business class siya nakaupo, economy seats lang ang mga ka­kan­­ta ng Pambansang Awit sa laban nina Pacquiao at Cotto. Tama ba laitin ang La Diva?

If I know, noon lang nakasakay sa business class ang hitad na commentator kaya feeling sosyal na siya!

Katrina hindi isinoli ang chanel bag at datung kay Dra. Belo

Dapat magpasalamat si Krista dahil hindi ko itinu­loy ang pagpunta sa Las Vegas or else, hahar­batin ko ang kanyang Chanel bag kung nagkita kami doon.

Sasabihin ko sa kanya na akin ang bag na ‘yan! Akiiiiiiiiiiin ‘yan! Bigla ko tuloy naalaala ang Chanel bag na ibinigay noon ni Mama Victoria Belo kay Katrina Halili. Nag-dialogue noon si Katrina na ibabalik nito ang bag pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya ginagawa! Pati ang datung na sinabi niya na ibabalik sa Flawless, hindi pa rin natutupad!

Jinkee ‘ako legal wife’

Na-sight na rin sa Las Vegas si Jinkee “Ako Legal Wife” Pacquiao. Lalo akong humanga kay Jinkee dahil alam niya kung saan siya lulugar. Classy siya, hindi butangerang asawa.

Quiet lang si Jinkee sa kanyang mga nababalitaan. Hindi siya gumagawa ng eksena. Napaka-ladylike ng attitude niya. Walang makakaagaw ng kanyang korona bilang Ako Legal Wife.

Bahala na kayo na mag-read between the lines. Basta ako, kampi kay Jinkee dahil siya ang legal wife. Nasa likod niya ako! Suportahan taka ang message ko para sa kanya.

Nasa front row seats kaya ang Ranillo family?

Bukas na ang laban nina Manny at Miguel. I’m sure, wala uling trapik sa Metro Manila dahil nakatutok ang lahat sa telebisyon para panoorin ang makasaysayan na pakikipagbakbakan ni Manny.

Itsurang malabo ang mata ko, tututukan ko ang TV set ko dahil baka sakaling ma­hagip ng mga TV camera si Krista and her family. Gusto kong malaman kung saan sila nakaupo o kung magkakatagpo ba sila ni Jinkee. Nasa front row seats kaya ang Ranillo family?

vuukle comment

AKO LEGAL WIFE

BAG

CHANEL

DAHIL

IF I

JINKEE

KRISTA

LA DIVA

LAS VEGAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with