Dahil sa lola, Carla maraming 'di puwedeng gawin
May mga ipinangako pala si Carla Abellana sa sarili niya, lalo na sa lola niya, ang veteran actress na si Delia Razon, bago siya pumasok sa showbiz.
Una rito ay hindi siya magbabago sa pakikitungo sa mga tao, sa mga kasama niya sa trabaho, at sa mga fans. Kaya ang sinasabing nagmamaldita na siya, walang katotohanan iyon dahil she tries her best to be nice to everyone dahil ayaw niyang makagalitan siya ng lola niya.
Naniniwala siyang part na ng pagiging artista niya ang naiintriga, at hindi maiiwasan na kahit wala siyang ginagawa ay may nasusulat sa kanya.
Ang second na ipinangako niya sa lola niya, ay ang hindi mag-sexy pictorial sa mga men’s magazines.
Kaya iyong sa FHM, wala at hindi mangyayari iyon.
Kahit siya ay Her Bench endorser, never din siyang magpapa-sexy sa fashion show na gagawin ng Bench.
Naka-focus lamang siya sa pagti-taping ng Rosalinda at sa bago nilang ginagawa ni Geoff Eigenmann, ang SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen na magsisimula na ang first Thursday episode tomorrow, after ng Shining Inheritance. Kasama nila ni Geoff ang mommy nitong si Gina Alajar at ang daddy niyang si Rey “PJ” Abellana.
* * *
Excited si PJ Abellana na for the first time ay makakasama niya sa isang show ang anak na si Carla.
Hindi naman siya na-disappoint nang mabago ang role niya sa SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen, na ang alam niya ay gaganap siyang ama ni Carla sa story, ang mahalaga, makakasama niya ang anak.
Dance instructor siya na pag-aagawan nina Gina Alajar at Melanie Marquez, mga nanay nina Geoff (Eigenmann) at Carla, respectively.
Sa tanong kung payag ba si PJ na maging boyfriend ni Carla si Geoff, sagot niya ay kilala niyang magandang pamilya ang kinalakihan ni Geoff at nakita naman niyang mabait at magalang ang binata pero sana huwag muna ngayon.
Gusto niyang mag-concentrate muna sila sa trabaho tutal mga bata pa naman sila, lalo na si Carla na ngayon lamang talaga pumasok sa showbiz.
- Latest