^

PSN Showbiz

Ang totoong mundo ng kathang-isip nasa Bala Bala

-

MANILA, Philippines - Ang 2009 Cinema One Originals Digital Film Festival ay may isang finalist na magdadala sa audience sa isang bagong istilo nang pagkuwento —Bala Bala!

Kasama sina Richard Quan, Glenda Resurreccion, Tom Olivar, Rold Marn Salamat at introducing Micah Muñoz; na may special participation nina Jao Mapa at Angel Jacob, ang pelikulang ito ni writer-director Melvin Brito ay nakatutuwang mystery-fantasy ng dalawang nilalang na maaaring para sa isa’t isa o hindi rin. Ang Bala Bala ay isang misteryo.

Bala Bala ay Batangueño dialect na ang ibig sabihin ay ‘‘kunwari.’’ Nang bisitahin ni Frederick Aguila (Richard) ang Dagatan sa San Jose Batangas, na kasalukuyang may epidemya, ang kaisa-isang misyon niya ay malaman kung bakit namamatay ang live stock at kung ano itong sakit na mabilis na kumakalat sa barrio. Unti-unti ay malalaman niya ang sikreto. Magkakaroon pa siya nang pagkakataong makagamot ng babaeng may sakit. Mabilis namang kakalat itong balita na nakakagamot si Frederick.

Ayon kay Brito, ito ay ‘‘mystery and fantasy that’s presented in reality.’’

Ang writer at director na si Melvin Brito ay hindi bago sa industriya at maituturing na major talent sa indie film arena: Naging assistant director kay Carlo Roman Olivares sa pelikulang UPCAT noong 2008.

Ito ay maaaring magbukas ng mga bagong genre sa mga pelikula sa pagdating ng Cinema One Originals Film Festival ngayong Nov. 13-17 sa Gateway Cinema, Araneta Center, Cubao, Quezon City. Ito ay bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng ika-15 taon ng pangunguna. Ang awards night ay gaganapin sa November 15 at the Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Bala, Bala kasama ang Maximus and Minimus, Wanted: Border, Si Banig, Maymay at ang Asong Si Bobo, at Paano Ko Sasabihin ay produced at pagma­may-ari ng Cinema One channel at Crea­ive Prog­rams, Inc., sa tau­nang Cinema One Originals Digital Film Festival project.

vuukle comment

ANG BALA BALA

ANGEL JACOB

ARANETA CENTER

ASONG SI BOBO

BALA

BALA BALA

CARLO ROMAN OLIVARES

CINEMA ONE

CINEMA ONE ORIGINALS DIGITAL FILM FESTIVAL

MELVIN BRITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with