'Di migraine ang dahilan?! Regine nag-iinarte kapag gustong interbyuhin
Has the network war evolved into a “sibling rivalry” of sorts?
Kung ang tema ng ABS-CBN ngayong Pasko ay parol ni Bro (May Bukas Pa), ano naman ang pantapat ng GMA 7? Kung mapapadaan kayo sa GMA Drive (formerly Jamboree St.), very imposing ang mala-aguinaldong hitsura ng bagong building ng Kapuso network. Mistulang malaking kahon iyon na napalilibutan ng makapal na ribbon.
Mula ba iyon sa SiS (Janice and Gelli de Belen at Carmina Villaroel)?
* * *
Hindi pinahintulutan ng legal department ng GMA 7 na iere ng Startalk ang kasado nang alleged inside job sa likod ng panloloob sa apartment ng Sexbomb dancers na sina Aira Bermudez at Aifha Medina.
Tinatayang naganap bago pananghalian nitong Nov. 1, suspek sa krimen ang disisyete (true to their program Daisy Siyete) anyos na alalay nila na nakilalang Ron. Iniwan umano nina Aira at Aifha ang binata sa kanilang unit sa Teacher’s Village, Diliman, Quezon City.
Binaril, wika nga, ng naturang tanggapan ng istasyon ang nai-produce nang kuwento principally because the subject involved happens to be a minor. Sa ilalim ng ating batas, ang mga juvenile offenses ay sakop ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kaya walang criminal liability ang sinumang menor de edad.
In fairness to both Aira and Aifha, naroon pa rin naman ang awa para kay Ron na maaaring nabuyo lang ng mga barkada nito kung ito nga ang salarin. Hindi rin naman kasi biro ang nakulimbat mula sa kanila, bukod sa cash at mamahaling gamit ay mas ninakawan daw sila ng kanilang ibinigay na tiwala.
* * *
Pilit na lang inuunawa ng isang TV crew ang “pag-iinarte” ni Regine Velasquez, baka dala lang iyon ng migraine attacks ng Asia’s Songbird.
Once, na-assign ng program sa crew na puntahan si Regine sa isang event pero masama raw ang pakiramdam nito kung kaya’t walang interbyuhang naganap. Dalawang araw lang ang pagitan, sa ibang okasyon naman dumalaw ang same TV crew para sa wakas ay makapanayam si Regine. Ang road manager nito ang ginawang panangga ng Asia’s Songbird: Hindi raw alam ng singer ang crew visit na ’yon.
So, bumalik ang crew sa istasyon ng walang dalang materyal. Hindi pa rin sumuko ang programang kinabibilangan ng nabuwisit na staff. Sa ikatlong pagkakataon, na-assign uli sa kanya si Regine, pero tumanggi na ang reporter. “Puwedeng ibang artista na lang ang i-assign n’yo sa akin? Siguro naman, karapatan ko ring mag-inarte, ’no,” pabirong pagtataray ng crew.
Ayaw isipin ng staff na higit pa sa pananakit ng ulo ang laging idinadahilan ni Regine sa pag-ayaw nitong mainterbyu. Kapaniwalaan kasi sa maraming babaeng wala sa mood ay naglilihi.
A fact that cannot be discounted lalo’t mukha nang damulag si Regine sa sobrang laki niya, ’no!
- Latest