^

PSN Showbiz

James naging maunawain

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Mabait na kapatid si Kris Aquino dahil sa puspusang pagtulong sa kapatid na si Noynoy Aquino para sa pagtakbo nitong pangulo ng bansa. Ang TF sa kanyang 555 endorsement ay hindi nahawakan ng actress/TV host.

Tinanggap din ni Kris ang isang teleserye na magtatampok kina Albert Martinez bilang kapareha, gayundin bilang co-stars sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Sa kabilang banda, si Kris ang magpapauso ng Give Me 555. Kaya naitanong sa kanya ang tatlong bibigyan niya ng Give Me 5.

“Una si James dahil sa pagiging maunawain niya sa akin. Hindi naman napupulot ang pera, pinag­hihirapan ito kaya naintindihan niya ang pagtulong naming magkakapatid sa kandidatura ni Noy.

“Ikalawang bibigyan ko ng Give Me 5 sina Angel Locsin at Anne Curtis dahil sa pagiging sobrang matulungin nila sa mga biktima ng bagyong Ondoy. Naka­kabilib na nakalikom sila ng $18,000 dahil sa kanilang proyektong pantulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo at baha.

“Ikatlo, na-touch ako sa mga taong dumalaw sa aking mga magulang sa sementeryo. Nanggaling pa sila sa malalayong probinsiya para lang dumalaw sa puntod nina mommy at daddy,” sagot ni Kris.

* * *

Puro matataba at bigatin ang magsasayaw ngayong Linggo sa Shall We Dance? ni Lucy Torres-Gomez sa TV 5. Maglalaban-laban ang mga singers na ito para yanigin ang dance floor.

Guests sina Marissa Sanchez, Eva Castillo, at si Led Sobrepena ng The Singing Bee.

May bagong pa-contest na i-introduce sa Linggo para sa matatabang gustong pumayat sa kasasayaw.

* * *

Personal: Ipinamamahagi na ngayon ang medical at dental card ng Movie Writers’ Welfare Foundation (MWWF) sa iba’t ibang organization gaya ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Entertainment Press (ENPRESS), at Movie Press Photographers of the Philippines (MOPPAP).

Makipag-ugnayan lang sa inyong lingkod. Tumatanggap na ng mga bagong miyembro ang MWWF at pumunta lang sa opisina sa 131 Pacific Corporate Center Rm. 601 West Ave., EDSA, Q.C. mula 3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.

ALBERT MARTINEZ

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

ENTERTAINMENT PRESS

EVA CASTILLO

GERALD ANDERSON

GIVE ME

KIM CHIU

KRIS AQUINO

LED SOBREPENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with