Anak ni Vina nakiki-bonding sa mga artista
MANILA, Philippines - Wala nang mahihiling pa ang actress-singer na si Vina Morales sa sayang ibinibigay ng kanyang anak na si Ceana. Sa matagal niyang pagbabakasyon, hindi maiiwasan ni Vina na hanap-hanapin din ang magtrabaho. Bukod sa kanyang Ystilo salon, balik-trabaho muli si Vina na inumpisahan niya noong mag-host para sa Magic for a Cause.
Napanood din siya sa ASAP ’09 nitong nakaraang Linggo. Isang magandang bonding experience para kay Vina ang mag-celebrate siya ng kanyang kaarawan noong Oct. 17 kasama ang mga kaibigan at pamilya. Dalawang araw na kasama ang kanyang anghel na si Ceana at sina Billy Crawford, Nikki Gil, Erik Santos, Vhong Navarro, John Nite, Gary Berena, at Geneva Cruz.
Naghahanda naman ngayon ang singer-actress sa Star Magic World Tour sa Araneta Coliseum. Wish niya na magpatuloy ang magandang kalusugan ng kanyang mahal sa buhay.
- Latest