^

PSN Showbiz

Erap nag-share ng TF sa Bantay Bata

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Kinuyog ng maraming TV crew si dating Pangulong Erap Estrada as he walked his way to the venue of Star Cinema’s Ang Tanging Pamilya presscon.

Tailing him was Tina Monzon-Palma, ’yun pala’y para inanunsiyo si Erap na idino-donate niya ang bahagi ng kanyang talent fee sa pelikula para sa Bantay Bata Foundation headed by the lady broadcast journalist.

One million pesos ’yon, a gesture na hindi nangyari sa kauna-unahang pagkakataon. Ms. Palma shared a bit of history.

Taong 1999 daw nu’ng inilunsad ang naturang foundation sa Iloilo, ’yun din daw ang halagang ibinabahagi ng noo’y hindi pa Pangulo ng bansa. The following year, six million pesos naman daw ang pinakawalan ni Erap sa Davao, pero mabilis na kinorek ng ex-President ang datos ni Ms. Palma.

Hindi P6 M kundi P25-M ang donation ni Erap, kahit itanong pa raw kay Ms. Gina Lopez. Anyway, kasama raw makikinabang sa P1 M na donasyon ni Erap slashed from his talent fee in the Star Cinema movie ay ang mga kababayan nating nasalanta ng mga kalamidad. Kay Erap din namin nalaman ang datos na umaabot na raw sa sampung milyon ang populasyon ng mga Pilipinong nagugutom.

Of course, this reality is no laughing matter. Pero ang nakakatawa ay ang pagsubok ni Erap sa isang comedy film after having been sidelined for 20 years.

* * *

’Kaloka naman ang ongoing product-sponsored contest na Remember When & Win! ng GMA 7, pati Startalk ay kasama na rin sa pahulaan!

Teka, ang alam ko sa mga pinahuhulaang programa ay nagbabu na sa ere, bakit kasali ang Startalk na kelan lang nagdiwang pa ng 14th anniversary?

Kaya nga salitang ‘remember’ dahil it denotes anything of the past, ’di ba?

Naku, huwag sanang magbadya ng masamang pangitain ’yon, ’no!

* * *

Taking a much-needed vacation ang payo ng mga kaibigan ni Roderick Paulate para magsilbing therapy to keep his mind off his mother’s passing. Bagama’t hindi naman garantiya na huhupa ang kanyang lungkot sa pamamagitan nito, the fact remains that Kuya Dick must know how to deal with the pain.

Nagpapasalamat naman ang aktor sa suporta ng mga kaibigan led by Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Sa interview ng Startalk kay Kuya Dick, nami-miss daw niya ang pamamasyal nila ng kanyang “mamang” sa Luneta kahit wheelchair-bound ito, reminiscent of old time.

* * *

Hindi sa larangan ng biritan, kundi sa pag-indak sasabak ang mga literal na bigating sina Marissa Sanchez, Eva Castillo at Led Sobrepena (’yung bading sa Singing Bee) sa Shall We Dance tonight. Meron ding bagong pakontes para sa mga matataba who want to stay fit through dancing.

Hosted by Lucy Torres-Gomez, SWD airs at 8:30 p.m. on TV 5.

ANG TANGING PAMILYA

BANTAY BATA FOUNDATION

BATANGAS GOVERNOR

ERAP

KUYA DICK

MS. PALMA

STAR CINEMA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with