Kris biglang naguguluhan sa gaganap na Ninoy
Matapos mamayani sa maraming bansa sa Asya, particular na sa Indonesia si Christian Bautista, at si Jericho Rosales sa Malaysia, si Erik Santos naman ang kasalukuyang nagpapakilala sa kanyang mga kapwa Asyano sa pamamagitan ng kanyang bagong album, ang Erik Santos: The Jim Brickman Songbook.
Palaging wala sa bansa si Erik dahil dinadaluhan niya ang lahat ng launch ng kanyang album. Magkakaroon siya ng album launching sa Singapore, Nov. 14 at 29, Malaysia, November 23 at Japan, November 24 at 27.
Dati nang namamayani ang mga Pinoy artists sa mga bansa sa Asya. Nakalimutan na ba natin sina Marlene dela Peña na naging malaking singer sa Japan, si Caseylin Francisco sa Netherlands?
Pero parang ngayon lamang sila nababalita. Dahilan ba ito sa ngayon lamang sila nasama sa isang kumpanya na pino-promote ang kanilang album maging sa labas ng bansa?
* * *
Mayro’n nga bang relasyon sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana bukod sa pagiging magkapartner sa Rosalinda? Meron nga siguro dahil kung wala, hindi sila lalabas para maglinaw ng isyu sa Showbiz Central ngayong hapon.
Wala namang tutol sa parehong side, sa mom ni Geoff na si Gina Alajar at sa lola ni Carla na si Delia Razon kung sakaling matutuloy behind the cameras ang ugnayan ng dalawa bagaman at kung makapagbibigay sila ng payo, mas gusgustuhin nilang mag-focus na muna ang dalawa sa kanilang mga career at saka na pag-isipan ang pakikipag-relasyon.
* * *
Hindi makapamili si Kris Aquino kung sino kina Aga Muhlach at Piolo Pascual ang gusto niyang mag portray sa kanyang amang si Ninoy Aquino sa pagsasapelikula ng buhay ng kanyang mga magulang. Nahahati siya sa pangyayaring parehong magagaling na actor ang dalawa at very good looking din.
Pero nauna na niyang sinabi na gusto niyang si Gob. Vilma Santos ang gumanap ng Cory. Parang may edad na lalabas ito sa sa dalawang actor. Sino nga kaya finally ang mapipili? Mas tama nga siguro na si Sharon Cuneta na lang ang piliin niya.
- Latest