Bong ipapasa na ang agimat kay Jolo
Marami sa nakakapanood ng trailer ng Pepeng Agimat, na ikalawa sa serye ng Agimat ni Ramon Revilla, Sr. na ginagawa ng ABS-CBN, ang nagugulat kay Sen. Bong Revilla dahil kasama gayung isa siyang Kapuso.
Kung nang gumanap si Bong ng Pepeng Agimat ay ang ama niya ang nagsalin ng agimat sa kanya, bilang ama ni Jolo ay siya naman ang magpapamana sa anak ng kanyang agimat.
Maraming artista ang puwedeng gumanap ng role ng ama ni Jolo pero pinaka-maganda na kung si Bong.
Nang hilingin ng kanyang anak na mag-guest siya sa series nito, makatatanggi ba ang ama? Lalo’t magiging malaking push ito sa career ni Jolo.
“Dalawang araw akong nag-taping sa Agimat pero, isang araw lang ito mapapanood. Hindi ko naman kayang pabayaan ang anak ko. Kailangan niya ng suporta. Nang magpaalam ako sa GMA 7, hindi ako nagdalawang salita, agad nila akong pinayagan. For this, I’m grateful to the network,” ani Bong nang makausap namin dun mismo sa set ng serye na ginawa sa Pinagrealan Cave sa Norzagaray, Bulacan sa kasagsagan ng bagyo.
* * *
Dahil sa pulitika, magkakaroon ng parang rigodon ang GMA 7’s artists. Hindi na si Dingdong Dantes ang host ng 5th season ng StarStruck. Papalitan na siya ni Dennis Trillo na sasamahan sina Carla Abellana at Raymond Guterrez bilang host din ng nasabing reality search.
Bukod sa nasabing programa, mapapanood na rin sa Darna si Dennis bilang pinaka-bagong love interest ni Marian Rivera.
Magiging bagong host ng Family Feud si Dingdong Dantes kapalit ni Richard Gomez na tatakbo namang congressman ng Ormoc sa 2010.
Magsisilbing tall order ito sa actor dahil napaka-effective na host ng Family Feud ni Goma.
- Latest