Pagkakaibigan nawawasak dahil sa pulitika
Hindi na ako nagtaka nang manalo si Billy Crawford ng dalawang malalaking awards (R&B Album and R&B Artist of the Year) sa nakaraang Ist Star Awards for Music. Mas nagtaka nga ako kung bakit dadalawa lamang ang napanalunan niya dahil qualified din siya at deserving na manalo sa isa pang kategorya. Pinatatag lamang ng award niya ang kanyang status bilang isang international artist. Proud din ako sa kahusayan niyang mag-host dahil nahasa na siya sa trabahong ito at a very young age sa That’s Entertainment.
Mga ganitong moments na may nananalong dating taga-That’s at saka ko nami-miss ng husto ang aking dating programa para sa kabataan. Siguro kung nagtuluy-tuloy pa ito ay mas marami pa akong nadiskubreng artista.
Pero sapat na ang mga tulad ni Billy para mapatunayan ko na malaki ang naging silbi ko sa industriya.
* * *
I’m sure wala namang halong personal yung totoong pagkakasakitan nina Lorna Tolentino at Chin Chin Gutierrez sa sampalan scene nila sa seryeng Dahil May Isang Ikaw ng ABS CBN.
I’m sure nadala lamang ng kanyang eksena si Chin Chin. Tulad din nang nadala sa kanyang eksena bilang kontrabida ni Rhian Ramos si Glaiza de Castro sa Stairway to Heaven. Na-stress tuloy si Glaiza at nadala sa ospital.
* * *
Sana hindi magkawatak-watak ang mga artista dahilan lamang sa pulitika. Nagsisimula na kasing lumawak ang mga pagitan ng mga artista dahilan lamang sa magkakaiba sila ng susuportahan sa eleksiyon.
Sino mang artista ang tulungan nila, dapat ang friendship nila ay hindi mag-suffer bagaman at parang humihiling na ako ng isang bagay na imposible. Kapag ang isang artista nga naman ay sumuporta sa kalaban ng kanyang kaibigan, magiging magkalaban na sila? Siguro nga ito ang kapupuntahan nila. Sayang ang friendship!
- Latest