Alaala ni Jodi bumalik na
MANILA, Philippines - Tampok sina Dingdong Dantes bilang Cholo at Rhian Ramos bilang Jodi, ang Stairway to Heaven ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang nagkamit ng abot-langit na tagumpay sa TV ratings noong 2005 sa GMA 7.
Dahil sa nakakakilig na mga eksena at epektibong pagganap ng mga bida, patuloy na umaarangkada sa TV ratings ang Stairway to Heaven base sa data ng AGB Nielsen Philippines sa Mega Manila households. Noong Lunes, nakamit nito ang 32.1% rating at patuloy na nakapagtala ng mataas na ratings na 33.9% noong Martes at 29.4% noong Miyerkules.
Ngayong gabi, dahil muling sinagasaan ni Eunice (Glaiza de Castro) si Jenna, magbabalik na ang kanyang alaala. Alam na niyang si Jodi siya at hindi si Jenna.
Sasabihin naman ni Zoila kay Cholo na nakuha niya sa drawer ni Jenna ang nawawalang pera. Pupuntahan ni Cholo si Jenna sa bahay nito para liwanagin ang tungkol sa nawawalang pera pero wala na roon si Jodi. Sasabihin ni Tristan (TJ Trinidad) kay Cholo na pera lang ang habol sa kanya ni Jodi.
Kukumprontahin ni Jodi si Charlie. Sasabihin na ni Jodi na siya si Tristan. Magkikita na sina Jodi at Maita. Tatangkain ni Jodi na makipagkita kay Cholo.
Dahil bumalik na ang alaala ni Jodi, manumbalik pa kaya ang dating pagmamahalan nila ni Cholo? Mabubunyag na kaya ang lihim nila Eunice, Maita, at Tristan? Iiwan na ba ni Jodi si Charlie?
- Latest