^

PSN Showbiz

Movie ni Pacman absuwelto sa COMELEC

- Veronica R. Samio -

Inihayag ng execom ng Metro Manila Development Authority sa pamumuno ni Chairman Bayani Fernando na umapela na sila sa Comelec na i-exempt ang mga artista sa election ban. Ginawa ang apela para hindi maapektuhan ang ilang mga pelikula na nanganganib na hindi maipalabas sa Metro Manila Film Festival ’09 dahil lamang sa tampok dito ay mga artistang tatakbo sa eleksiyon sa 2010. Tulad nina Bong Revilla na isang reeleksiyunistang senador at ang boxing champion na si Manny Pacquiao na tatakbo namang kongresista sa Saranggani.

Nauna na rito ay ipinahayag ng Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na hindi kailangang iwan ng mga artista ang kanilang trabaho matapos makapag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC), huwag lamang nilang gagamitin ang kanilang mga programa at pelikula para mangampanya. Hindi sila kailangang pigilang makapaghanap-buhay bago ang campaign period. Hangga’t hindi pa opisyal na sinisimulan ang campaign period, hindi pa maituturing ang artista na official candidates.

The Comelec will come up with an advisory containing the guidelines para sa mga artistang pumasok ng pulitika.

“Ganun na lamang ang aming pakiusap at panalangin sa Comelec na sana ay payagang maipa­labas ang ilang mga pelikula na ginawa ng mga artistang pulitiko rin. Tulad ng Ang Panday at Wapakman dahil malalakas na pelikula ito at mapapalaki nito ang kita ng MMFF,” panimula ni Chairman Fernando.

 “Yung kay Manny Pacquiao ay walang problema dahil isang local position lamang ang tatakbuhin niya samantalang national position naman ang kay Senador Bong.

Kapag na-ban ang mga pelikula nina Revilla at Pacquiao, siguradong hindi makukuha yung target na kalahating bilyon sa taong ito. Bukod dito, ma­ba­bawasan yung amusement tax na inalis ng gobyerno, pati na yung mapupunta sa ibang mga beneficiaries na umaasa sa kita ng MMFF tulad ng Mowelfund, FAP, Anti-Piracy Council, Optical Media Board at Film Development Council.

“Wala tayong magagawa ngayon kundi hintayin ang desisyon ng Comelec,” pagpapatuloy ng MMDA Chairman na kakailanganin din na ibakante ang kanyang posisyon kapag nagsimula na ang election ban dahil tutuloy siya sa kanyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

“Dire-diretso na ito, hindi na magbabago. Matagal na akong pursigido, desidido. Pero dapat ay sa Pebrero pa ito pero dahil aagahan nga, automatic magre-resign ako sa aking posisyon,” dagdag pa niya.

Ang iba pang official entries sa MMFF ’09 ay Nobody Nobody but Juan ni Dolphy ; Mano Po 6 : My Mother, Sharon Cuneta; Ang Darling Kong Aswang, Vic Sotto; Shake, Rattle & Roll 11, Ruffa Gutierrez; Ikaw Na Nga, Kris Aquino at I Love You Goodbye, Kim Chiu, Derek Ramsay, Angelica Panganiban, at Gabby Concepcion.

Ang Nieves na una nang napili ay hindi makakasali dahil may sakit ang direktor nito na si Mike Tuviera.

* * *

Samantala, may photo contest na isasagawa ang MMDA simula noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 15, 2009.

Bukas ito sa lahat ng potograpo, amateur man o propesyonal at maging sa publiko.

Tema ng photo contest ay Ondoy : Confronting Challenges… Moving Forward.

Ang mga larawan ay kailangang may sukat na A4, may 300 dpi (dots per inch), landscape or portrait format at may maikling discription o caption.

Bawat sasali ay maaaring magsumite ng hanggang dalawang entries na kailangang isumite sa Public Affairs Service Public Information Office, MMDA Bldg., Orense St. corner Guadalupe, Makati City.

Ihahayag ang mga nanalo sa Nob. 22.

Ang mga premyo ay P25,000, 1st; P25,000, 2nd; P10,000, 3rd.

* * *

Bukas ng gabi na ang inaabangang paglabas ni Gerald Anderson sa Maalaala Mo Kaya bilang si Jerome, isang lalaking may sakit na Tourette’s Syndrome, yung hindi makontrol na pagpiksi.

Exciting ang nasabing episode dahil talagang pinag-aralan ni Gerald ang kilos at galaw nang nagpadala ng liham, si Jerome na may kakaibang sintomas ng sakit, which involves involuntary jerking ng katawan.

Matitindi rin ang mga makakasama ni Gerald sa nasabing episode, tulad nina Rio Locsin at Noni Buencamino.

Abangan ang nakakaantig na episode na ito ng MMK sa direksiyon ni Ruel Bayani!

ANG DARLING KONG

ANG PANDAY

ANGELICA PANGANIBAN

ANTI-PIRACY COUNCIL

BAYANI FERNANDO

BONG REVILLA

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with