^

PSN Showbiz

Dennis tinamaan ng nerbiyos

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nag-first taping day na Darna si Dennis Trillo last Wednesday at masaya sa set dahil parang naging reunion ng Super Twins kung saan una silang nagkasama ni Marian Rivera at si Dominic Zapata rin ang director.

Hindi pala role ni Efren na ginampanan din ni Dennis sa Darna ni Angel Locsin, gaganap siyang si Pancho na kababata at kasama ni Narda na lumaki sa ampunan. Magkikita silang muli at ang alam ng actor, magkakaroon sila ng love angle.

Natuwa at nenerbiyos si Dennis nang malamang siya ang papalit kay Dingdong Dantes na co-host ni Carla Abellana ng StarStruck V every Sunday.

Sa November 22 siya unang sasalang kaya may time pa siyang paghandaan ang pagiging host.

Bibigyan sila ng crash course on hosting, pero tiniyak na ni Dennis na kakabahan siya sa una niyang pagho-host.

* * *

Katuwa ang ginawa ng mga taga-Century Canning Corporation na samahan ng recipe ng 555 Tuna Seafood Pasta at 555 Tuna Afritada Empanada ang press kit ng new endorsement ni Kris Aquino. Tuturuan ka rin kung paano sila i-prepare, kaya panalo.

Deretso sa pondo ng kampanya ni Sen. Noynoy Aquino ang talent fee ni Kris dito pati ang isa pang endorsement na inaayos ni Boy Abunda. Pang-tax lang ang kinukuha niya at ‘di na niya ginagalaw ang pera. Si Boy naman ‘di kumukuha ng komisyon.

Nabago ba ang life style niya sa pagkandidato ng kapatid?

 “Hindi naman masyado, kaya lang ang dami kong nalilibre. Ha-ha-ha! Pero kung iisipin mo, mga ordinaryong tao nga nagsasakripisyo ako pa kaya? May jeepney driver na ibinigay ang one day earnings niya para kay Noynoy at marami pang mga ordinar­yong tao ang handang tumulong at nagpapasalamat ako sa kanila. I admire Noynoy dahil ‘pag alam niyang may problema sa pinanggalingan ng donation, like galing sa smuggling, ayaw tanggapin.”

Ang suweldo niya sa ABS-CBN at suweldo ni James Yap daw ang pinanggagastos nila at may four years contract pa siya sa network na pagkukunan ng pera.

Samantala, muntik sabihin ni Kris sa presscon kung sinong Hollywood producer ang nakipag-usap sa Star Cinema para i-co-produce ang life story ng kanyang parents.

Big production company ito at to be released internationally ang movie.

* * *

Ibibigay ng GMA 7 ang gusto ng fans na mapa­nood sa sarili nilang show ang mga bagets na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, gumanap na young Jodi and young Cholo respectively sa Stairway to Heaven. Sila ang bida sa next season ng Dear Friend na magpa-pilot sa November 22.

Balita rin namin na pagkatapos ng Dear Friend, may gagawing soap sina Barbie at Joshua at posib­leng makasama nila sina Jake Vargas at Joana Marie Tan, gumanap namang batang Eunice at batang Tristan sa Stairway to Heaven pa rin.

Kinakitaan ng chemistry ang tambalan nina Barbie at Joshua at sa rami nang nagkagusto sa kanila, puwede nang simulan ng istasyon ang pagbi-build-up sa kanila.

* * *

Sa Darna, patatamaan ng Babaing Lawin (Ehra Madrigal) si Darna (Marian Rivera) ng metal blades mula sa kanyang pakpak, pero tatalbog lang at ‘di tatalab dahil may power na itong panangga. Hindi rin maabutan ni Darna si Lawin dahil sa pambihira nitong bilis.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BABAING LAWIN

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BOY ABUNDA

CARLA ABELLANA

CENTURY CANNING CORPORATION

DARNA

DEAR FRIEND

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with