^

PSN Showbiz

Una kotse, Angelica binilhan ng sobrang mamahaling bag ni Derek

RATED A - Aster Amoyo -

Masayang-masaya si Angelica Panganiban noong birthday niya last Nov. 3 dahil sinorpresa siya ng boyfriend na si Derek Ramsay. Ayaw na sana niyang mag-birthday party, kaya nanood na lang sila ng sine ni Derek. 

Nang dapat ay uuwi na lamang siya, may tumawag na friend niya na mag-coffee sila sa isang restaurant kaya doon sila tumuloy ng actor-boyfriend. Nagulat siya nang inabutan niya roon ang family at mga friends niya. 

Pero ang halos ikaiyak niya sa tuwa ay nang papiliin siya ni Derek sa mga handbags na naroon na kunwari ay ibinebenta ng isa nilang friend. Ayaw sana niya, pero si Derek daw ang pumili ng isang orange bag at ang sabi ay bagay iyon sa kanya.

Isang Hermes bag iyon na hindi ini-expect ng aktres na magkakaroon siya. Akala niya, kapag 40 years old na siya makakabili ng napakamahal na signature bag, pero at 23 ay nagkaroon na siya. Nang gabing iyon, nilinaw na ni Angelica na hindi totoong hiwalay na sila ni Derek tulad nang kumakalat na balita. Hindi at never silang maghihiwalay, sabi pa niya. 

Saan pa ba siya makakakuha ng isang gu­wapo at mabait na boy­friend na tulad ni Derek?

* * *

Ikinagulat ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Lani Mercado ang balitang ang kinu-consider naman ngayon ng administrasyon na running mate ni Gibo Teodoro ay si Bong.

Walang ganoong usapan kahit kailan at wala ring balak si Sen. Bong na tanggapin ang offer. 

Pero natawa kami nang may magsabing hindi na si Sen. Bong ang kinu-consider ngayon kundi si Edu Manzano. Totoo kaya ito, Ms. Salve?

* * *

Nagkaroon pala ng international premiere ang horror movie ni Richard Gutierrez na Patient X sa American Film Market in Sta. Monica, Los Angeles, California. 

Si direk Yam Laranas ang dumalo dahil hindi pwedeng umalis si Richard na busy na sa taping ng Pinoy adaptation ng romantic comedy Koreanovela na Full House. Simula noong Nov. 4 hanggang Nov. 11, dadaluhan ng mga film buyers ang said film market at umaasa ang GMA Films, Viva Films, at RGutz Productions ni Richard na magugustuhan ng mga film buyers ang kanilang pelikula.

* * *

Kung sa Nov. 21 ay may repeat ang Men of the ’80s concert nina Raymond Lauchengco, Louie Heredia, Gino Padilla, at Randy Santiago sa Skydome ng SM North EDSA, binabalak din pala ng Viva Concert and Events na i-tour ito around the Philippines. Pero si Gino, iri-release muna ang bago niyang album sa Vicor Records produced by Christian de Walden pagkatapos ng concert nila.May 14 tracks ito ng English OPM na mula sa catalog ng Viva at Vicor Records ng ilan sa mga singers like Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Jimmy Bondoc, Rannie Raymundo ay binigyan ng bagong areglo na bagay sa range ng boses niya. 

Ayon kay Gino, kung ano ang repertoire nila sa successful two-night concert nila noon sa Music Museum, iyon din ang kakantahin nila sa Skydome. 

* * *

Kahit may sakit, tuloy sa pagsu-shooting si Sharon Cuneta ng Mano Po 6: My Mother. Noong isang araw, sa Subic sila nagsu-shooting at aalis sila ng Nov. 19 para sa pictorial shoot sa Beijing, China. At last week of November, time out muna siya sa shoot­ing dahil aalis sila ng anak na si KC Concepcion for a thanksgiving shows sa States. 

Wala na nga siyang time na mag-extend doon after the concert dahil kailangan niyang bumalik para tapusin ang shooting ng Mano Po 6: My Mother.

DEREK

MANO PO

MY MOTHER

NIYA

PERO

SHARON CUNETA

SIYA

VICOR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with