'Hindi ako tanga para siraan ang show ni Lorna'
Mama Salve, nadiskubre ko na kung bakit nagmukhang gimik para sa Dahil May Isang Ikaw ang pisikal na pananakit ni Chin Chin Gutierrez kay Lorna Tolentino.
Nag-text brigade pala ang publicity department ng ABS-CBN sa mga entertainment writer tungkol sa mga magaganap na eksena sa episode ng Dahil May Isang Ikaw noong Lunes. Ito ang eksakto, walang labis, walang kulang na text message ng ABS-CBN PR sa mga reporter :
“Naku, eto po ang update sa dahil may isang ikaw. Kung mapapanood n’yo ang teaser today, mamayang gabi o Lunes ng umaga, magaganap ang bonggang-bonggang confrontation scene ni Lorna at Chin Chin. Ending in sampalan and sabunutan. Dahil nadala ang dalawa sa eksena, nagkasakitan ang dalawa. In fact nagasgasan daw slight si Lorna. Pero all in the name of paggawa ng eksena. Bukas naman isang very romantic na wedding scene ang kukunan. Ikakasal na si Echo at Tin! Parang patapos na nakakaloka talaga ang primera klaseng teleseryeng ito!”
O ayan ha, unedited version ‘yan. Sinadya ko na ilabas ang text brigade ng publicity PR ng ABS-CBN para matigil na ang mga maling bintang na pakulo namin ni Ricky Lo ang balita dahil inutusan kami ng GMA 7 para siraan ang mga show ng Channel 2.
Tanga ba ako para siraan ang sariling show ng aking alaga? Gaga ba ako na dededmahin ang mga kalmot ni Chin Chin sa mukha ni LT?
* * *
Hindi ako nainis sa mga tao na nagsabi na gumagawa ako ng ingay para pag-usapan si LT.
Mas umiral ang awa ko sa kanila dahil react sila nang react sa isyu na wala silang alam. Makikitsismis lang, mali-mali pa ang pagkakaintindi nila. Soo pathetic ‘di ba?
* * *
Nakita ko kahapon ang invitation para sa birthday party ni Armida Siguion-Reyna. Naloka ako dahil 79 years old na pala si Tita Midz. Ang akala ko, 60-plus lang ang edad niya.
Eh ang ganda-ganda ni Tita Midz sa kanyang litrato. Puting-puti ang kanyang buhok dahil hindi na siya nagpapatina. Ang bata-bata ng itsura niya sa picture na nakita ko.
Nakalagay sa invite ni Tita Midz na huwag nang magbigay ng regalo ang mga babati sa kanya. How I wish na katulad ako ni Tita Midz pero hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magdiriwang ng birthday ng walang regalo. Mortal na kasalanan ‘yon sa akin ‘noh!
* * *
Lalong gumanda ang katawan ni Jolo Revilla nang magkita kami kahapon sa presscon ng Pepeng Agimat na mapapanood sa ABS-CBN sa darating na Sabado.
Walang katiyan-tiyan si Jolo. Talagang pinaghandaan niya ang pagbibida sa Pepeng Agimat. Pareho pala sila ng trainer ni Dingdong Dantes kaya magaganda ang kanilang mga katawan.
Mukhang masaya ngayon si Jolo kaya hindi ko masasabi na dinamdam niya ang break-up nila ni Lovi Poe. Two years din ang itinagal ng kanilang relasyon na nauwi rin sa hiwalayan.
- Latest