Bagong karelasyon ni Lovi matanda pa kay Lani Mercado
“Mas matanda pa sa nanay ko (Lani Mercado) ‘yun,” sagot ni Jolo Revilla nang hindi siya tantanan ng tanong tungkol sa issue na kaya sila naghiwalay ng kanyang girlfriend ng dalawang taon na si Lovi Poe ay dahil sa concert producer na partner ni Jomari Yllana na si Ronald Singson. Meaning, may edad na ang ipinalit sa kanya ni Lovi.
Consistent ang rumor na kaya sila nag-split ay dahil sa nasabing anak ni Mr. Chavit Singson.
Pero hindi personal na inamin ng aktor na bida sa Pepeng Agimat, ang series na pagbibidahan niya, isa sa apat na Agimat movie ng kanyang Lolo Ramon Revilla na mapapanood sa ABS-CBN.
Halos isang buwan pa lang silang naghihiwalay ni Lovi. Pormal na rin ang paghihiwalay though may ilang hindi naniniwala. “For now, break na talaga kami, pero hindi ko alam pagdating ng panahon,” katuwiran ng aktor na pumayat ng 30 lbs.
“We’re friends,” dagdag niya.
With benefits?
“Hindi wala,” mabilis niyang sagot sa tsikahan kahapon na ipinatawag ng kanyang tita Andeng Ynares, asawa ni Gov. Junjun Ynares na apat na buwang buntis sa second baby nila ni Gov.
Basta ang sinasabi niya, si Lovi na lang ang tanungin tungkol sa totoong status nila ni Ronald Singson na naka-relasyon din noon nina Angelu de Leon at Sunshine Dizon.
Actually, pinipilit pang kumbinsihin ni Jolo ang sarili na hindi kayang gawin ng ex-girlfriend na makipagrelasyon sa iba habang sila pa rin.
“Siguro hindi naman ganun. Basta ang masasabi ko lang, tao rin ako na marunong masaktan,” sabi niyang makahulugan.
Ngayon, ini-enjoy muna niya ang pagiging single father sa anak nila ni Grace Adriano (na anak ni Rosanna Roces).
“Enjoy ako dahil naso-solo ko siya (anak na si Bugoy),” sabi ni Jolo.
“Pero pag weekend, dinadala naman siya sa mommy niya.”
Magaling na raw mag-English ang bagets na apat na taon na ngayon.
Wala na rin itong sakit at regular na nagi-school.
Si Bugoy ang tinuturo niyang rason kaya siya nag-mature psychologically and emotionally.
“Bawat galaw ko talaga ngayon, pinag-iisipan ko na. Hindi birong magkaanak.
“Malaki ang nabago sa buhay ko. Mas seryoso na ako ngayon,” sabi ni Jolo na parating supporting lang sa kanyang previous roles at first time na magbibida bilang Pepeng Agimat.
Ayaw nang mag-comment ni Jolo sa issue kay Rosanna Roces dahil alam naman nito ang totoo tungkol sa agreement nila ng ina ng kanyang anak.
Besides hindi naman daw nila ipinagkakait ang bata kaya walang dapat pagtalunan.
Anyway, nakakaramdam ng kakaibang challenge si Jolo sa Pepeng Agimat. “Alam ko kasing ‘di ako si Dad (Sen. Bong Revilla) who also portrayed Pepeng Agimat, siyempre ikukumpara, kung hindi sa kanya, sa lolo ko (Sen. Ramon Revilla Sr.) kaya nakakakaba. Pero naipangako ko na I will do my best,” deklara ni Jolo.
Mapantayan nga kaya ni Jolo ang kanyang ama at lolo?
“I hope so. Although ma-achieve ko lang kahit kalahati nang na-achieve nila, di lang bilang artista kundi bilang politicians na rin, maligaya na ako.”
Kasama niya sa Pepeng Agimat si Melissa Ricks.
Masarap bang kumagat si Melissa?
“Siyempre naman.”
Type niya ba si Melissa? “Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya.”
Sa Sabado magsisimulang mapanood ang Pepeng Agimat sa ABS-CBN.
- Latest