Jennylyn nawiwiling mag-pose sa men's mag
Akalain mo, parang pinagbigyan tayo ng panahon para magkaroon tayo ng masayang pag-alaala sa ating mga namatay na mahal sa buhay.
Biglang sumikat ang araw nung mismong unang araw ng Nobyembre na kahit Araw ng mga Santo na nakagawian na nating gunitain ang ating mga patay sa halip na sa Nobyembre 2 na All Souls Day, araw ng mga kaluluwa.
At marahil kung hindi lamang natakot sa bagyong Santi ang mas nakakarami, baka mas naging siksikan pa ang mga sementeryo natin.
Pero umulan man o umaraw, nagsiksikan pa rin sa sementeryo ang maraming tao. Isa itong araw na bukod sa ginugunita natin ang mga namatay nating mahal sa buhay ay nagsisilbi rin itong dahilan para magkita-kita o magkaroon ng reunion ang mga pamilyang magkakahiwalay na.
All Saint’s Day and All Soul’s Day ay mga araw when we have fun. Tapos na ang pagiging malungkot. Natanggap na natin ang pag-iwan sa atin ng ating mga mahal sa buhay.
Balik na naman tayo sa ating normal na pamumuhay. May nagbabanta na namang bagyo kaya paghandaan natin ang pagdating nito. Pero kasabay ng paghahanda, huwag nating kalilimutan na kahit maganda ang panahon sa Kamaynilaan, maraming sinalanta ang bagyong Santi.
* * *
Sa dinami-rami ng anak ni Francis Magalona, alam ko na meron at meron siyang anak na susunod sa kanyang yapak bilang isang rapper.
Meron nang dalawang anak (Saab at Maxene) na babae na nag-aartista si Francis. Meron na rin siyang product endorser at isang fashion model.
Huling nagpakita ng kanyang talento sa pagkanta ay ang isa pa niyang anak na si Elmo, na nakasamang mag-perform ni Ely Buendia ng kanta na pinagtulungan nilang mabuo ng namatay na rapper sa NU Rock Awards na kung saan binigyan ng tribute ang Master Rapper.
Okay si Elmo, medyo mahiyain pa pero kapag nasanay na sa stage ay maaring sumikat na tulad ng kanyang ama. Kahit naka-metal ang mga ngipin, carbon copy siya ng kanyang ama.
* * *
Mukha namang nawiwiling mag-pose sa cover ng men’s magazines si Jennylyn Mercado. Bakit naman hindi? Hindi naman lahat ng moms ay nabibigyan ng chance na tulad ng nakukuha niya. Ika nga, strike while the iron is hot.
Kapag tumanda na siya at nasira ang katawan ay hindi na niya ito magagawa. Bakit hindi habang bata siya? Paglaki ng anak niya ay puwede niyang ipagmalaki dito na naging sexy din ang kanyang mom.
* * *
Mukhang makaka-hit na naman ang Star Cinema sa Ang Tanging Pamilya, ang movie na nagpi-feature sa pagbabalik pelikula ng dating pangulong Joseph Estrada. Kasama bilang asawa niya sa movie si AiAi delas Alas at anak nila si Toni Gonzaga na nakatakdang magpakasal kay Sam Milby na anak naman ni Dionisia Pacquiao.
Sa trailer pa lamang ay marami na ang natatawa lalo na sa mga eksenang magkasama sina AiAi at Aling Dionisia. Idagdag mo pa ang natural na flair ni Erap sa comedy. Well, si AiAi hindi na ipagtatanong pagdating sa comedy. Talagang forte niya ito.
- Latest