^

PSN Showbiz

Noynoy at Junjun Binay, mga lalaking nire-reto ni Kris kay Ruffa, maninipis na ang buhok

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May mga nag-react sa isinulat ko tungkol sa pag­re­reto ni Kris Aquino ng mga lalake kay Ruffa Gutierrez.

Hindi nila type ang pagrereto ni Kris kay Ruffa sa kanyang kapatid na si Noynoy Aquino at kay Junjun Binay, ang kabibiyudo pa lang na konsehal ng Makati City na anak ni Mayor Jojo Binay.

Sa ganda ni Ruffa, hindi raw kailangan ni Kris na ire­to o ipakilala siya sa mga lalake. Hindi nawa­walan si Ruffa ng mga manliligaw na di-hamak na mas gu­wapo at makapal ang buhok kesa sa mga inirereto ni Tetay. Guwapo rin ang kanyang ex-hus­band na si Yilmaz Bektas ‘huh! 

Eh ano naman kung sakaling mas bata kay Ruffa ang kanyang mga manliligaw? Hindi dapat ma­kalimutan ni Kris na malaki ang agwat ng edad nila ni James Yap.

Gusto kong isipin na walang masamang in­tensiyon si Tetay sa pagrereto niya kay Ruffa sa ibang lalake.

Baka gusto lang niyang tularan siya ni Ruffa dahil inireto rin sa kanya si James Yap noong pana­hon na loveless siya.

* * *

Kung ayaw n’yo. eh di huwag! ‘Yan lang ang ma­sa­sabi ko sa mga tao na nag-iisip na gimik para sa Dahil May Isang Ikaw ang pagkalmot ni Chin Chin Gutierrez kay Lorna Tolentino.

Dyusko, hindi kailangan ni Lorna na gumimik para mapag-usapan ang kanilang show ‘no. Siya na nga ang nasaktan, pag-iisipan pa nang ma­sama? It’s unfair ‘no!

Kesehodang special holiday noong Lunes, binu­labog ko ang manager ni Chin Chin na si Anjie Ureta.

Sinabi ko kay Anjie na pagsabihan niya si Chin Chin kung saan ito dapat lumugar dahil talagang na­saktan si Lorna. Sagutin ba naman ako na na­saktan din daw si Chin Chin! Ganoon talaga kapag supporting role, talagang nasasaktan! Alangan naman na ang mga bida lang ang puwedeng ma-hurt!

Hindi ko pa alam ang magiging ending ng is­yung ito. Basta ang alam ko, na-trauma si Lorna sa pana­nakit na ginawa ni Chin Chin.

* * *

Nakakaloka ang ibang tao na nag-isip na pakulo ko ang sakitan blues nina LT at Chin Chin para pag-usapan ang Dahil May Isang Ikaw. Buhkit?

Kasali ba ako sa cast? Type ko ba na sulutin ang role ni Chin Chin eh wah ko naman feel na ma­ging aktres.

Marami nang napatunayan si LT bilang aktres. Hindi niya kailangan ang mga gimik. Kuntento na siya kung ano ang meron siya. Talagang nasaktan si LT sa mga kalmot ni Chin Chin.

* * *

Inabangan ko ang episode ng Dahil May Isang Ikaw noong Lunes dahil sa curiosity ko na mapa­nood ang confrontation scene nina LT at Chin Chin.

Kitang-kita ko ang eksena na tapos na ang sampalan blues nila pero gusto pa ni Chin Chin na rumesbak.

Ramdam na ramdam ko rin ang galit ni LT pero tuhog ang eksena kaya ipinagpatuloy niya ang pag-arte. Effortless ang kanyang dialogue na luka-luka si Chin Chin.

May dapat na ipagpasalamat si Chin Chin dahil nakontrol ni LT ang sarili at naawat sila ng mga ka­eksena nila or else, kakausapin niya ang lahat ng puno na kanyang mapagsusumbungan.

vuukle comment

ANJIE URETA

CHIN

CHIN CHIN

CHIN CHIN GUTIERREZ

DAHIL MAY ISANG IKAW

JAMES YAP

LORNA

RUFFA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with