^

PSN Showbiz

Pelikula ni Michael Jackson humataw sa buong mundo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

“For those asking: Nope I DO NOT have a boyfriend but yes I am inspired. LOVE LOVE LOVE!” — tweet ni Ruffa Gutierrez sa rami nang tanong kung may boyfriend na siya though sinabi na niyang may inspirasyon siya nang maka-tsika namin sa shooting ng Ukay-Ukay for Shake Rattle and Roll XI. Pero maraming nangungulit.

Puwede raw ba ’yun?

Yup, puwede kay Ruffa, why not!

* * *

Ang suwerte ng housemate from Finland na si Katlin Laas na dumating ng bansa para sa PBB Big Swap. Grabe ang importansiyang ibinigay sa kanya ni Kuya.

May mga interviews na siya sa ABS-CBN shows at very VIP ang ibinigay sa kanyang welcome sa House A na napili niyang tirhan pansamantala.

Nasa Finland na ang ka-swap niyang Pinay na si Catherine “Cathy” Remperas.

o0o

’Buti naman at may pelikula sina Snooky Serna at Angelu de Leon. Magkasama sila sa balitang nakakapanindig-balahibo at nakakagulat sa trailer pa lang na pelikula, ang Hellphone.

Role ng isang nanay na ang simpleng pangarap ay maregaluhan ang dalagang anak sa birthday nito kahit second hand cellphone lang. “Alam n’yo, sobrang nag-enjoy ako sa pagsu-shoot ng movie. Ang galing! I really love the movie at hindi ko makakalimutan ang ginawa ko rito,” sabi ni Snooky na halos sa kanya iikot ang kuwento.

Si Angelu naman, may mga tinanggihan palang pelikula pero nang mabasa niya ang script ng Hellphone, nag-desisyon siyang gawin.

“’Yung director ng movie, meron talaga siyang eye kung paano tatakutin ’yung audience. Nakita n’yo naman ang trailer ’di ba? Trailer pa lang, iba na ang dating. Nakakatakot na,” sabi ni Angelu.

Role ng nanay (ng batang actor played by Basty Alcances), ang batang nakakuha ng cellphone at doon na magsisimula ang mga na­ka­katakot na eksena.

“Interconnecting ’yung kuwento. Hindi siya tri­lo­gy movie pero parang trilogy dahil nagko-con­nect ang mga characters at kuwento. Interesting at may redeeming factor,” dagdag pa ni Angelu.

Actually, lahat ng kasama sa pelikula, iisa ang sinasabi including Rainier Castillo and Jackie Rice.

Nag-advance screening na kasi ang pelikula kaya alam na nila ang epekto sa audience.

Si Mike Tan ay nagsabing marami rin siyang natutuhan.

“Marami dahil unang-una, okay ’yung shooting, lahat professional kaya maganda ’yung working relationship,” sabi ng aktor.

So ibig sabihin, hindi nagbigay ng problema si Snooky, in fairness to her, na madalas maging issue sa trabaho niya.

Ipalalabas ang Hellphone sa mga sinehan ngayong Nov. 11.

Magkakaroon ito ng premiere night sa Nov. 9, 7 p.m. at Robinsons Galleria Cinema 3. Kasama rin dito sina Dexter Doria, Joshua Tecson, and Matet de Leon. Ito ay sa direksyon ni Joven Tan.

* * *

Ang lakas pa rin talaga ng power ni Michael Jackson kahit wala na siya. Imagine, kumita ng $101 million worldwide sa unang limang araw ng pagpapalabas ang This Is It, ayon sa report ng Associated Press (AP).

Kumita ito ng $21.3 million sa opening weekend pa lang. Kahit dito sa ’Pinas, malaki ang kinita ng pelikula.

Ayon pa sa report: “The previous weekend’s No. 1 movie, Paramount’s low-budget horror sensation Paranormal Activity, slipped to No. 2 with $16.5 million, lifting its total to $84.8 million.

“This Is It raised its domestic total to $32.5 million. The movie pulled in $68.5 million overseas, including $10.4 million in Japan, $6.3 million in Germany, $5.8 million in France, and $3.2 million in China.”

“He’s just loved everywhere on the planet,” sabi naman ni Rory Bruer, head of distribution for Sony. “It doesn’t matter if it’s Asia, Africa, Australia, Europe, South America. Every continent in the world loved him and his music.”

“In Great Britain, where Jackson had planned a marathon series of 50 London concerts starting last July, the movie earned $7.6 million,” dagdag report pa ng AP.

Ang This Is It ay compilation ng mga behind-the-scene performances ni MJ ilang linggo bago siya namatay noong nakaraang Hunyo para sana sa kanyang series of concerts sa London.

Dahil sa malakas na hatak sa mga manonood sa buong mundo, nag-decide ang Sony, distributor, na i-extend ang pagpapalabas nito “on a country-by-country basis.”

Nakalagay din sa report na binayaran ng $60 million ang film rights sa nasabing rehearsal ni Jackson na kailangang kitain din ng producer.

“They bet $60 million on this and got $101 million in just five days,” sabi ni Paul Dergarabedian, box-office analyst for Holly­wood.com. “It was a gamble and a bet that paid off.”

ANG THIS IS IT

ANGELU

ASSOCIATED PRESS

BASTY ALCANCES

HELLPHONE

MILLION

THIS IS IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with