^

PSN Showbiz

Nanay ng sikat na aktres magnanakaw labas-masok sa kulungan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nakapaskel ang litrato ng ina ng isang sikat na aktres sa entrance sa lahat ng malls sa isang siyudad sa Kabisayaan. Sa nakasulat na babala sa ibaba ng litrato, pinag-iingat ng management ng malls ang customers sa ina ng aktres dahil mahilig itong manikwat ng bag, wallet at pati groceries ng customers.

Paulit-ulit daw itong ginagawa ng ina ng aktres and in fact, labas-masok na siya sa kulungan, pero hindi pa rin nagbabago. Ang nakakaloka pa, sa halip na itago para hindi mapahiya ang anak, itsinitsika pa sa mga nakakausap na nanay siya ng aktres. In fairness, totoo ang kini-claim nito, pero sana hindi na niya ipangalandakan dahil nakakaawa ang kanyang anak na nagtatrabaho para magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Hindi na kargo ng aktres ang ina dahil ito ang nang-iwan sa kanila at tuwing tatanungin ang aktres ng kanyang wish, ang makita ang ina ang laging sinasabi. Kaya lang, sa mali nitong ginagawa at kalat-kalat na utang, ‘wag na muna niyang pangarapin na makita ang ina. Baka ‘pag kinuha niya ang ina, dito naman magkalat ng lagim.

* * *

This November na raw sisimulan ni Ms. Susan Roces ang taping ng Christmas special niya sa GMA 7 na ang pinakahuling title ay Sana Ngayong Pasko na galing sa pinasikat na Christmas song ni Ariel Rivera. Si Eric Quizon ang director ng series na tatagal lang ng five weeks at papalit sa Stairway to Heaven.

Sa narinig naming istorya, gaganap si Susan na ina ng limang anak na isa-isang nawala sa kanya, pero makikita rin niya ang mga anak at dito iikot ang madramang istorya. Pinag-usapan pa lang daw sa meeting ang story, naiyak na ang creative staff dahil talagang drama ang Christmas special.

Pinipili na ang limang artistang gaganap na anak ni Susan at malaking sorpresa ang partisipasyon ng isa.

Bawal pang magkuwento dahil baka maudlot, basta wait na lang kayo.

* * *

Tuwang-tuwa si Ehra Madrigal dahil babalik ang karakter niyang si Babaing Lawin sa Darna at nag-taping na siya last week. Isa siya sa mga rason kung bakit hindi matutuloy ang kasal nina Narda at Eduardo (Mark Anthony Fernandez).

Hindi pa nito masabi kung mamatay na ang karakter niya sa pagresbak niya, but at least, mahaba ang kanyang exposure sa series at nakilala siya ng viewers lalo na ang mga bata. Kahit saan siya magpunta ngayon, Babaing Lawin at hindi na Ehra ang tawag sa kanya at ibig sabihin daw noon, may impact ang role niya.

First time ni Ehra to work with Marian Rivera at natutuwa siya sa aktres dahil never nagkaroon ng bad mood sa taping na magkasama sila. Makulit at masa­yahin daw ito at tumahimik lang nang mag­kasakit. Sama-sama sila sa stand by area at ang gandang tingnan na kani-kanya silang puwesto.

Sa muling pagtatanong ng press kung handa na siyang mag-asawa, “wag muna” ang sagot ni Ehra. Kahit seven years na ang relasyon nila ng boyfriend, marami pa raw silang pangarap na kailangang matupad at higit sa lahat, bata pa siya para mag-asawa.

* * *

Exciting ang ipinakikitang eksena ng Stairway to Heaven dahil babalik na yata ang memory ni Jenna (Rhian Ramos) at malalaman na niyang tama ang sinasabi ni Cholo (Dingdong Dantes) sa kanya na siya’y si Jodi at hindi si Jenna.

Sa kanyang natuklasan sa tunay niyang katauhan, magpapasalamat si Jenna na hindi natuloy ang kasal nila ni Charlie (TJ Trinidad).

AKTRES

ARIEL RIVERA

BABAING LAWIN

DAHIL

DINGDONG DANTES

EHRA

EHRA MADRIGAL

INA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with