^

PSN Showbiz

Carla nagiging in demand

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Mapili sa pagkuha ng endorser ang kaibigan kong may-ari ng Lamoyan Enterprises, gumagawa ng Hapee Toothpaste na si George Chua. Isang kumpanya ng mga Pilipino na gumagamit ng mga trabahador na may mga kapansanan.

Talagang pinipili lamang ni George ‘yung makakatulong talaga para mapasikat pa ang toothpaste niya na bagaman at maituturing na bago ay nagsimula nang tangkilikin ng masa dahil bukod sa talagang mahusay na panlinis ito ng ating mga ngipin ay napakamura pa.

Si Carla Abellana ang bago niyang endorser at sa palagay ko ay hindi siya nagkamali sa pagkuha sa bagong aktres.

Maganda ang imahe nito. Malaganap din ang programa nitong Rosalinda at honor graduate sa kursong psychology.

Mabilis ang pagsikat nito bilang artista, tulad din ng Hapee, kaya inaasahan ng kaibigang George na magkakasabay sila ng produktong iniendorso niya na papaimbulog sa kasikatan.

* * *

Ngayon pa lamang ay inaabangan ko na ang konsiyerto na gagawin ng isa ko pang matalik na kaibigan na si Pilita Corrales kasama ang hari ng kaberdehan na si Rico J.Puno sa Nob. 13 sa Music Museum.

Mali sa palagay ko ang titulo ng concert nila na The Diva and The Debonair. Mas bagay yung Asia’s Queen of Songs and The Total Entertainer o kaya ay Ang Reyna at Ang Bastos pero siguro kahit anong titulo ang ibigay mo sa concert nila, dadayuhin ito ng tao. Alam nilang isang magandang palabas ang naghihintay sa kanila.

Bukod sa parehong magagaling kumanta ang dalawa, ang mga awitin nila ay paborito ng kahit na anong edad. At sumikat sila sa panahong talagang magaganda ang mga kanta at musika, and era ng the golden age of music.

* * *

Nabasa ko, mag-aasawang muli si Rosanna Roces. Hinihintay na lamang na mapawalang bisa ang una niyang kasal.

Makakabuti ito ng malaki sa kanya. Mababawasan ang bitterness na nakikita ng marami sa kanya. Sa aminin man niya o hindi, she has been bitter na   parang walang magandang dumarating sa kanyang buhay. Pero pana-panahon lang naman ‘yan. Magaling siyang artista, kapag pumayat siya, makakakuha pa siya ng roles na hindi lamang pang-nanay.

Kaso pati katawan niya parang pinabayaan na rin niya. 

ANG BASTOS

ANG REYNA

CARLA ABELLANA

DIVA AND THE DEBONAIR

GEORGE CHUA

HAPEE TOOTHPASTE

LAMOYAN ENTERPRISES

MUSIC MUSEUM

PILITA CORRALES

QUEEN OF SONGS AND THE TOTAL ENTERTAINER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with