Aga hindi lilipat sa GMA 7
“Kung totoong lilipat siya, hindi mo na mababasa sa iba. Ako na mismo ang magsusulat,” mabilis na sagot ni Tita Ethel Ramos sa persistent rumor na magiging Kapuso na ang alaga niyang si Aga Muhlach na kesyo nakikipag-negotiate na silang ‘mag-ina’ sa GMA 7.
Kaliwa’t kanan ang usapan na lalayasan na ni Aga ang Kapamilya Network. Pero kelan lang ay nakasama siya sa Christmas station ID ng ABS-CBN kaya parang malabo ngang mangyari ito though isang source ang nagkuwento na nagkaroon talaga ng negotiations.
Whatever. Magaling na aktor si Aga kaya kahit nasaan siya, Aga Muhlach pa rin siya.
* * *
“Pag ginawa niya ‘yan, baka maospital na ako,” sabi ni Robin Padilla nang tanungin siya kung ipinakilala na ba sa kanya ng anak niyang si Queenie ang nababalitang boyfriend nitong si PJ Valerio.
Hindi raw niya kaya pag nangyari ‘yun.
Nakatira na sa sariling condominium si Queenie na minsan na ring nag-artista sa GMA 7. Pero nagkaroon pala ng agreement ang mga anak niya na hindi sila magsasabay-sabay sa showbiz.
* * *
“So far I’m not loving the replacement of PGKNB (Pilipinas Game Ka Na Ba?) Vhong (Navarro) and Anne (Curtis) aren’t confident at all. The show itself is so magulo. Sigh. I miss Edu,” text ng isang reader tungkol sa dating programa ni Edu Manzano kung saan ikinukumpara niya ang pumalit na programa na Showtime.
Magkaiba ang format ng dalawang programa.
Sa Showtime, naglabasan na ang mga gustong magpasikat na nagsimula noong Sabado (Oct 24) sa pagbubukas ng programang pumalit sa Ruffa and Ai at PGKNB sa ABS-CBN.
Kasama nina Vhong, Anne sina Teddy ng Rocksteddy, Jugs ng Itchyworms at si Kuya Kim Atienza kung saan nagpakitang-gilas na ang mga ordinaryong Pinoy na gustong makita sa telebisyon.
May sumayaw, may nag-rap, may nagpatawa, pero lahat ay nagbigay saya sa mga manonood dito at sa ibang bansa. Ika nga ng resident judge na si Vice Ganda, “hindi pagalingan dito, basta nakakaaliw, panalo!”
Pero hindi lang pala mga contestants ang inaabangan sa Showtime dahil pati judge at audience ay may time to shine. Walang pigil ang banat ng mga celebrity judges sa mga contestants, habang ang “madlang people” kung tawagin nila ay may oras ding humirit.
Umariba raw ang rating nito 14.1% noong Sabado ayon sa TNS national TV ratings.
Wait na lang tayo kung malalampasan pa ng Showtime ang Ruffa and Ai at ang nawalang programa ni Edu.
- Latest