Iza nakinabang sa nilayasan ni Sunshine
First time ko na nakapunta sa Trinoma noong Huwebes. Totoo pala ang tsismis na malawak ang Trinoma kaya napagod ako sa paglalakad.
Siyempre, sinilip ko ang mga sinehan ng Trinoma. Malaki ang mga sinehan at magaganda ang upuan. Sinamahan pa ako ng usher sa loob ng sinehan nang silipin ko ito.
Showing sa Trinoma theater ang Patient X. Mga estudyante ang nakita ko na nakapila sa takilya. Mga estudyante na kalalabas pa lamang ng school at gustong mag-relax!
* * *
Kasama ako sa milyun-milyong Pilipino na nagdarasal na lumihis o humina ang lakas ng Typhoon Santi para madalaw sa sementeryo ng mga kababayan natin ang kanilang mga mahal sa buhay.
Nakalulungkot naman na dahil kay Santi, mawawalan ng tsansa ang mga Pilipino na makabisita sa sementeryo eh minsan lang sa isang taon ang All Saints Day.
Naniniwala ako sa power ng dasal kaya hindi ako magtataka kung maudlot ang pagdating ng bagyo sa Central at Southern Luzon. Nakukuha ang lahat sa taimtim na pagdarasal.
* * *
Linggu-linggo ang pagdalaw ko sa libingan ng mga magulang ko sa Novaliches. Hindi kumpleto ang linggo ko kapag hindi ko sila nabibisita.
Masuwerte ako dahil nasa Quezon City ang puntod ng aking mga magulang. Paano na lang ang mga tao na umuuwi pa sa malayong probinsiya para madalaw ang kanilang mga namatay na kamag-anak?
Bihira na nga silang makauwi sa probinsiya, mauudlot pa dahil sa paparating na bagyo. Unfair ‘di ba?
* * *
Lumipad na kahapon sa Singapore ang staff ng Starstruck V para sa audition na gaganapin doon.
Pupunta naman sa Amerika sa Lunes ang second batch ng staff para sa US audition ng Starstruck. Kasado na rin ang pagpunta ng iba sa Japan at Middle East.
Mas exciting na ang Starstuck V dahil binigyan ng pagkakataon na makasali sa audition ang mga kabataang Pilipino na nakatira sa iba’t ibang lupalop ng mundo. Ang Starstruck na talaga ang biggest artista search sa Pilipinas.
* * *
Tinanggap ko ang offer na maging jury member ng Starstruck 5. Makakasama ko sina Iza Calzado at Floy Quintos, ang lovable director ng Startalk na nagtaka dahil dinedma siya ni Rich Asuncion nang magkasalubong sila minsan.
Totoo ang balita na si Iza ang ipinalit kay Sunshine Dizon. Tama lang na pinalitan si Sunshine dahil sa kanyang mood swings. Hindi ko pinangarap na paghintayin niya ako sa taping kapag sinumpong siya ‘no!
Baka ito pa ang maging dahilan para talak-talakan ko siya.
May mga pagbabago sa Starstruck V pero saka ko na lang ikukuwento sa inyo. Hintayin muna natin na matapos ang worldwide audition!
- Latest