^

PSN Showbiz

Show ng aktor sa network na gustong balikan ready na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May naghihintay ng show ang magaling na actor sa network na gustong balikan. Kasama siya sa cast ng Christmas special series na tiyak hindi tatanggihan ng actor at kanyang manager dahil magagaling ang makakasama at napakaganda ng story ng Christmas special.

Gustuhin man naming banggitin ang pangalan ng actor, ipina-off-the-record muna dahil baka harangin nang iiwang network. Gusto rin ng actor na walang intriga sakaling matuloy ang paglipat sa kabilang network dahil magtatrabaho lang siya.

Matagal na raw nabanggit ng actor sa kanyang manager ang kagustuhang lumipat ng network at nag-request na hanapan siya ng magandang contract deal at magandang show.

* * *

Pasalamat si Rhian Ramos na finally tinanggap ang tambalan nila ni Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven at patunay dito ay ang magandang rating ng soap. Sabi ni Rhian, baka na-curious sa kanila ang viewers at binigyan sila ng chance kaya tumaas ang viewership.

Mas komportable na si Rhian kay Dingdong ngayon at nakakapagbiro na hindi na niya kailangang mag-lipstick sa kissing scene nila dahil mahahaba ang eksena at mabubura rin lang kung magre-retouch siya ng lipstick.

“Happy ako kung anumang working relationship namin ni Dingdong, hindi lang siya friend, food buddies din kami. Kung sa mall ang taping namin, ‘pag breaktime, hanap kami agad ng restaurant na makakainan. Thai food ang gusto ko at siya’y Persian food, magkasundo kami’t pa­reho naming love kumain,” kuwento ni Rhian.

Samantala sa Stair­way to Heaven, magi-guilty si Jenna (Rhian) at biglang yayayaing magpakasal si Charlie (TJ Trinidad). Kaso, malalasing si Charlie the night before the wedding, late siyang magigising at siya na lang ang hinihintay sa huwes. Sa halip na si Charlie, si Cholo ang darating sa kasal ni Jenna.

* * *

Na-LSS o Last Song Syndrome kami sa Human Nature, isa sa kakantahin dapat ni Michael Jackson sa kanyang final concert na This Is It! na ang rehearsal ay ginawang full-lenght film na showing na ngayon until two weeks lang.

Ang Sony Pictures ang nag-distribute ng movie, pero ang two-disc This Is It! album ay distributed ng Sony Music Entertainment’s Columbia/Epic Label Group. Repertoire ng concert ang kasama sa album kabilang ang Earth Song na ang ganda-ganda ng intro ni Michael, ang title track na hindi pa nare-release na ang back-up vocals ay ang Jacksons Brothers.

Isa sa magandang part ng movie ay nang kantahin ni Michael ang I’ll Be There na sinundan niya nang pag-a-“I love you” sa kanyang mga kapatid na lalake. ‘Kaiyak! 

Manghang-mangha kami sa laki ng preparasyon at budget ng concert. Hands-on si Jackson mula sa pagpili ng back-up dancers, choreography, blocking, at lahat-lahat na sa tulong ni Kenny Ortega. Ang husay-husay ni Michael sa Billie Jean at ‘di napigilang pumalakpak ng audience sa Shangri-La Plaza Cineplex 3.

Gustung-gusto namin ang movie, nakakalungkot lang isiping wala na si Michael Jackson. 

* * *

Ngayong Friday sa Ikaw Sana, itatago ni Michael (Mark Herras) ang totoo sa anak na si Niña at palalabasing patay na ang ina nitong si Eliza (Jennylyn Mercado).

Windang si Sofia (Pauleen Luna) dahil sa ibinalita sa kanya ni Sylvia (Pinky Marquez).

BE THERE

BILLIE JEAN

DINGDONG DANTES

EARTH SONG

EPIC LABEL GROUP

HUMAN NATURE

IKAW SANA

MICHAEL JACKSON

RHIAN

THIS IS IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with