Chynna tuloy ang pag-aaral sa UP
MANILA, Philippines - Si Chynna Ortaleza, ang latest endorser ng Sisters Feminine Napkins at Pantyliner, na naging katuwang ni Aileen Go, vice president ng Megasoft na maker at distributor ng Sisters, para sa pamamahagi ng mga certificates at packs sa may 30 estudyante ng Halang Elementary School sa Calamba, Laguna na ginanap kamakailan sa Sioland Wholesale Mart.
Pahayag ni Ms. Go, “GMA 7 talent Chynna Ortaleza is a positive role model for the youth due to her professionalism, her intelligence and her good moral values. We really like her a lot. She is a brilliant host, a very good dancer and very good singer. She relates well to the students. We at Sisters are committed to excellence and our advocacy is encouraging young students to excel in school.”
Kasalukuyang nag-aaral si Chynna sa University of the Philippines (UP) Open University dahil kahit busy sa showbiz, alam niya ang kahalagahan ng edukasyon. Bukod sa Sunday noontime variety show na SOP, pinaghahandaan na ng aktres ang indie film na Ukay-Hukay.
Nagpaunlak si Chynna na samahan ng mga student awardees sa kanyang dance number sa Korean hit song na Nobody nang magpunta sa Calamba. Natuwa rin ang mga mag-aaral sa mga exciting na games na may premyo mula sa Sisters Feminine Napkins at Sioland.
Kahit naapektuhan ang mga pabrika at warehouse facilities ng Megasoft dahil sa bagyong Ondoy, masaya sina Chynna at Ms. Go dahil sa mataas na sales pa rin ng mga high-quality pero affordable products nila. Sa katunayan, naging No. 3 best-selling brand sa mga feminine napkins na ang Sisters.
- Latest