^

PSN Showbiz

FM stations sinubukan ang Lazer Blaster

-

MANILA, Philippines - Nagmistulang show­down ng mga top-rating FM stations kamakailan ang labanan ng mga disc jockeys ng 90.7 Love Radio at 101.1 Yes-FM sa Lazer Blaster ng Star City.

Dala nina Nicole Hiyala, Missy Hista, Papa Jack, Rica Hera, Christine Dera, Rico Panero, at ang kanilang station manager na si Jojo Cehung ang pangalan ng Love Radio na muling nag-No. 1 sa rating ng AC Nielsen. Mala-Rambo naman ang dating ng mga taga-Yes-FM na sina Vilma Taray, Maria Maldita, Totoy Bato, Diego Bandido, Biboy Bibo, Beauty, Bruno at Brownie, kasama si Glenn Garcia at ang kanilang deputy station supervisor na si Karen Golfo.

Isang futuristic na gubat ang kanilang natag­puan sa Lazer Blaster, ang pinakabagong kina­lolokohan ng madla sa Star City. Nataguriang “state-of-the-art laser tag arena,” dulot ng Lazer Blas­ter ang walang humpay na aksyon sa mabi­lisang paggalaw ng mga manlalaro, na sadyang pinatindi ng special lighting effects sa paligid.

Ang “laser tag” ay isang makabagong uri ng game system na kontrolado ng mga computers at sadyang madaling kagiliwan ng lahat, bata man o matanda. Lahat ng lumaro nito ay maaaring mag­pantasya na maging bayani matapos lumaban sa isang ligtas na paraan.

Para sa karagdagang tanong ukol sa Lazer Blaster, o sa mga nais magpareserba bilang grupo, tumawag lamang sa telepono bilang 833-4483.

BIBOY BIBO

CHRISTINE DERA

DIEGO BANDIDO

GLENN GARCIA

JOJO CEHUNG

KAREN GOLFO

LAZER BLAS

LAZER BLASTER

LOVE RADIO

STAR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with