Vilma may espesyal na anunsiyo sa b-day?
With DILG Ronnie Puno’s withdrawal from the vice presidential race, kumbaga sa maulap na kalangitan ay may sumisilip na liwanag na ang papalit sa kanyang pinupuntiryang puwesto ay walang iba kundi si Batangas Governor Vilma Santos.
Ngunit kung si Ate/Gov. Vi ang tatanungin, the moment to decide has yet to come. Consistent lagi ang aktres-pulitiko, in fairness to her, sa pagsasabing ibang usapan na kung buong bansa ang kanyang patatakbuhin gayong kailan pa lang naman siya pinagkatiwalaang pamunuan ang lalawigan ng Batangas.
If only for Ate Vi’s honest admission of her political inadequacy at this point, saludo ako sa kanya, huwag na ang aking pagiging dyed-in-the-wool Vilmanian ever since the world began. Hindi ang pag-uudyok sa kanya ng administrasyon ang magtutulak kay Ate Vi to aspire for a national post, kundi ang kanyang puso in the way that she has meaningfully served the industry.
Ate Vi certainly knows the extent of her political abilities tulad din ng kanyang mga limitations. Power hunger is not her cup of tea, not even her glass of champagne.
Pero kwidaw din tayo, a few days from now ay magdaraos na si Ate Vi ng kanyang kaarawan. Baka masorpresa na lang tayo sa kanyang iaanunsiyo sa pakikipag-tandem niya kay Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro (who, in fairness, is my bet!).
Vi for VP? Itama n’yo lang po ang pagpo-pronounce ng “Vi”… baka kasi isiping “B” for Binay…iiiwww!
* * *
Inamin ko kay Tito Ricky Lo na na-inspire ako sa kakaibang approach niya sa pagba-blind item employing foreign places. Hiningi ko ang permiso ng columnist/TV host na gayahin ang kanyang treatment only that mga lokal na lugar ang kakatawan sa mga pangalan ng aking mga subjects.
“Mga flowers naman ang gamitin mo,” suhestiyon ni Tito Ricky. What an equally brilliant idea. So, here goes…
May ilan din palang panahong sinusuportahan sa pera ni Jasmine si Lotus, yun ang mga panahong hindi na ito nag-aartista. Nung una, hindi iniinda ni Jasmine ang kanyang pagkakawanggawa, pero umabot na sa puntong naging parasite na si Lotus.
Entonces, tinigilan na ni Jasmine ang pagtulong kay Lotus, na noong aktibo sa showbiz ay paborito ng direktor na si Dahlia Zinnia. Ikinaloka pa ni Jasmine ang papalit-palit na dyowa ni Lotus. Sa katunayan, humingi pa ng saklolo ang tinedyer nitong anak na si Katuray kamakailan sa pamamagitan ng text na kung maaari’y tulungan ang kanyang ina ngang si Lotus na nag-suicide try.
Siyempre, gets n’yo na kung sino si Lotus? What about Jasmine na nagsilbing benefactor ng hitad for the longest time?
Ang madir ni Jasmine, si Lily na dating senadora na dyowa ni Eucalyptus!
Hay, naku, Tito Ricky, naubusan na ako ng mga bulaklak kaya mga halaman na lang!
- Latest