^

PSN Showbiz

TF ni Erap cheap na lang!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Tama lang na hindi natuloy si Heart Evangelista sa Patient X. Talagang hindi niya kakayanin ang role ni Guada (Cristine Reyes) na isang aswang na hindi tumatanda at kumakain ng tao para mabuhay. May eksena pa na kailangang kumain ng patay dahil ayaw na raw niyang kumain ng buhay na tao.

Swak ang character kay Cristine. Bagay sa kanya ang role at na-justify niya ang pagiging aswang na gustong kumawala sa asawang aswang din.

Sobra ring nakakapagod ang role ni Richard Gutierrez na isang doktor na pinatay ang pamilya na natagalan bago nadiskubre kung sino o ano ang mga pumatay. Bata pa siya nang mapatay ang mga ito.

Doktor na siya nang may magsabi sa kanya na nahuli na ang salarin at nakakulong ito sa isang hospital.

Pero ang siste, hindi tumanda ang suspek.

At hindi lang pala ang pamilya niya ang biktima kaya gustong maghiganti nang naiwan ng mga biktima.

Basta panoorin n’yo ang pelikula dahil nakakatakot.

Lahat sila magagaling.

Kahit si Miriam Quiambao na first time kong napanood umarte ay impressive ang portrayal. Lalo na si TJ Trinidad na biktima rin ang pamilya kaya gustong ubusin ang mga aswang. Ang galing niya rin.

Magaling din ang pagkaka-direk ni Yam Laranas.

Pero mata-touch kayo sa eksena kung saan naiwan ang isang batang naka-ventilator sa hospital na inaatake ng mga aswang dahil gusto na nilang kunin si Cristine.

Para maka-relate sa kuwento, watch na lang kayo dahil sure ako na titili rin kayo ng sobra.

Showing na ito starting tomorrow.

* * *

Hindi naman pala masyadong kamahalan ang siningil na talent fee ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa kanyang comeback movie sa Star Cinema. As in hindi naman daw nakakaatake sa puso, say ni Mico del Rosario ng Star Cinema.

Imagine nga naman, nakumbinse nilang guma­wa ng pelikula si Erap after ng dalawang dekada. Wala nang makaalala kung ano ang last movie ni Erap.

Originally pala ay October pa ang showing ng Ang Tanging Pamilya pero dalawang beses nagkaroon ng problema.

Una ay nang lumubog ang Superferry kung saan kasama ang kanilang crew galing sa shooting sa General Santos City. Kinunan doon ang mga eksena ni Mommy Dionisia Pacquiao. Malaki ang halagang nawala sa Star Cinema dahil sa nasabing paglubog ng barko. Kasamang lumubog ang mga bago at mamahalin nilang camera.

Sunod na nangyari ay ang pagkamatay ng nanay ni Direk Wenn Deramas.

Pero hindi naman nagtagal dahil after na ilibing ang mother ni direk, nagtrabaho na agad ito.

Next month na rin ang dead­line ng candidacy kaya may mga nagdududa na minadali ang pelikula para hindi na maharang ng COMELEC lalo na nga at nag-deklara na si Erap na tatak­bo uli siyang presidente.

Almost done na ang pelikula at ayon kay Mico, magpo-promote si Erap kasama ang kaparehang si AiAi delas Alas.

Pero mas riot siguro kung kasama nila si Mommy Dionisia sa promo. Pero hindi na nga ito puwede dahil abala na sa su­porta sa laban ng anak niyang si Manny Pacquiao laban kay Miguel Cotto sa Nov. 15 sa Las Vegas.

Sa trailer pa lang ng Ang Ta­nging Pamilya na napapanood, nakakatawa na sila.

Mag-asawa ang role nina AiAi at Erap at may kissing scene sila, take note.

“Siyempre bukod sa ma­saya ako, it is different kasi honored ako kasi legendary itong movie na ginagawa ko, historical kasi kasama natin ang dating pangulo ng bansa. Kaya napakaimportante nito sa akin. I’m so honored na nakasama ko siya sa pelikulang ito,” sabi ni AiAi sa kanyang previous interview.

Say naman ni Erap: “Ito ang naging propesyon ko for 20 years and after 20 years I’m back. Hindi ko ma-express ang aking feeling na hindi ko alam na may comeback akong ganito,” sabi ni Erap na ’pag nasa shooting ay dinadayo ng mga fans na umaasang matutulungan niya ang buhay.

Si Mommy Dionisia, masayang-masaya siya dahil nakasama niya sa pelikula sina Erap at AiAi.

Sabi niya, “Biruin mo, ang haba ng role ko. Baka ituluy-tuloy ko na ito. Hahahaha! Ang guwapo rin ni Sam Milby. Sa edad kong ito sino bang mag-aakala na magkaka-pelikula pa ako?”

* * *

Mukhang magbabalik-show­biz si Princess Revilla.

May offer na indie film at malamang na tanggapin ito ng kapatid ni Sen. Bong Revilla.

“May mga offers ngayon na mag-artista uli ako, pero pinag-iisipan ko pa talaga. Baka gues­ting, puwede siguro. De­pende rin, kung may magandang offer at hindi ako makatanggi, why not?” say ni Princess.

Habang wala pala sa showbiz, bisi-bisihan siya sa kanyang negosyo.

Hiwalay na si Princess sa kanyang asawang doktor kung saan may anak silang dalawa.

Puwedeng-puwede sanang mag-showbiz ang dalawang bagets, pero walang hilig.

Ang tagal na pala since gumawa siya ng pelikula.

Parang si Erap din. Twenty years ago na.

Pero in fairness kay Princess, parang hindi naman siya tumatanda.

ANG TA

ANG TANGING PAMILYA

DAHIL

ERAP

PERO

SHY

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with