Parol ni Bro for sale
MANILA, Philippines - Sa darating na November 4 ay ilulunsad na ng ABS-CBN ang kanilang Christmas campaign na may temang Bro, Ikaw ang Star ng Pasko sa pamamagitan ng isang simultaneous Parol lighting ceremonies na ginanap sa ABS-CBN compound sa Quezon City, ilang Regional Network Group stations, at piling ABS-CBN global offices worldwide.
Magsasama-sama ang mga Kapamilya sa espesyal na gabing ito para saksihan ang pagpapailaw ng mga higanteng parol na magsisilbing simbulo ng pag-asa at pagtutulungan sa bawat Pilipino.
Ang ilaw na nagmumula sa Diyos, na sinisimbulo ng Parol, ang siyang magbibigay ng init at liwanag sa ating mga puso na maghihilom sa mga sugat at magpapanumbalik ng pag-asa.
Kaugnay pa rin ng kampanyang ito, sinimulan na rin ng ABS-CBN ang pagbebenta ng espesyal na Christmas lanterns na tinatawag na Parol ni Bro hango sa hit primetime teleserye na May Bukas Pa. Ang naturang proyekto ay naglalayong makalikom ng pondo na gagamitin para sa mga programa ng ABS-CBN Foundation tulad ng Bayanijuan at Sagip Kapamilya.
Ang Parol ni Bro lanterns ay mabibili sa SM Kultura at SM Department store outlets sa Las Piñas, Fairview, North EDSA, Mall of Asia, Mega-mall, at Makati.
Maari ring bumili at umorder ang mga Kapamilya online via http://abscbnstore.multiply.com <http://abscbnstore.multiply.com/> at http://www.starrystarry.com <http://www.starrystarry.com/>
Kaabang-abang na rin ang paglulunsad ng Kapamilya Christmas Station ID, na nilikha ng kanilang Creative Communications Management team, para sa taong ito tampok ang pinakamalaking mga Kapamilya stars at news anchors. Ano kaya ang tema nito? Sino ang kakanta ng theme song? Sinu sino ang mga artistang makikita sa pinakahihintay na music video na ito?
Ngayong Nobyembre, samahan ang Bro, Ikaw ang Star ng Pasko mall shows na gaganapin sa SM Southmall sa Nov 7, at SM San Lazaro sa Nov 14.
- Latest