^

PSN Showbiz

Manlolokong talent manager tiklo nakakulong na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang kapal ng mukha ng isang lalake na nagpanggap na talent manager at nanloko ng mga kabataang kalalakihan.

Michael Feliciano at Michael Sangalang ang mga alias ng impostor na manager na ipinagmamalaki na boss niya si Wilma Galvante ng GMA 7.

Nagsumbong sa Imbestigador ang mga biktima kaya nadakip ang manggagantso. Tinawag ko na makapal ang mukha ni Michael dahil ang lakas ng kanyang loob na mag-deny itsurang napakalinaw ng mga ebidensiya, ang video niya habang nanghihingi siya ng limang libong piso. Pinadala rin niya sa kanyang mga bibiktimahin ang mga laptop at cellphone.

Nakakulong na ngayon si Michael. Cry me a river ang kanyang drama nang ma-corner siya at naubusan ng alibi. Nagmakaawa siya na patawarin ng mga biktima niya na nagpaloko sa kanya dahil sa kagustuhan na makasali sa Season 5 ng Starstruck.

May mga kasalanan din ang mga nabiktima ni Michael. Araw-araw na ipina-plug sa GMA 7 ang audition para sa Starstruck, nagtiwala pa sila sa isang tao na hindi nila kilala.

Dapat pakatandaan ng mga aspiring star o kahit ng mga naghahanap ng tra­baho na alamin muna ang background ng mga employer o talent manager kapag nagsimula na silang manghingi ng datung o ibang pabor. Remember, walang manloloko kung walang magpapaloko.

* * *

Pupunta sa Singapore at Amerika ang staff ng Starstruck dahil global na nga ang artista search program ng Kapuso network.

 Aalis si Raymond Gutierrez sa November 4. Pupunta siya sa Amerika para sa audition ng Starstruck.

Baka mag-absent si Raymond sa Showbiz Central dahil sa kanyang biyahe sa Amerika. Puwede rin na dumiretso siya sa Las Vegas at i-cover para sa Showbiz Central ang pinakahihintay na laban nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto.

Sabado ng gabi sa Las Vegas at Linggo ng umaga sa Pilipinas ang boxing match nina Miguel at Manny. Pasok na pasok ang live coverage ni Raymond sa Showbiz Central mula sa Las Vegas pero depende ito kung pipiliin niya na mag-extend ng pananatili sa US of A.

* * *

Thank you nga pala kay Manny Pacquiao dahil sa pagdalaw niya sa studio ng Startalk noong Sabado.

Nakumpleto ang aming 14th anniversary show dahil nagpaunlak si Manny na kumanta with matching banda.

Ganadung-ganado si Manny sa pagkanta at parang paghahanda na rin niya ito sa concert na gaganapin pagkatapos ng laban nila ni Miguel Cotto.

Pupunta sa Las Vegas sina Paolo Contis at Benjie Paras dahil ka-join sila sa concert ni Manny. Malamang, kasali rin si Christopher de Leon na manonood din ng laban nina Pacquiao at Cotto.

Fit na fit si Manny nang umapir siya sa Startalk. Nagbunga ang kanyang dibdiban na training sa Baguio City at Luneta Park.

* * *

Inihahanda na ni Ruffa Gutierrez ang kanyang sarili sa magiging resulta ng annulment at custody case nila ni Yilmaz Bektas.

May mga balita na darating sa Pilipinas si Yilmaz pero hindi ito ma-confirm ni Ruffa sa mga reporter na dumalaw sa shooting ng Ukay-Ukay episode ng Shake Rattle and Roll.

Ang annulment case ang isa sa mga dahilan kaya wala sa bokabularyo ni Ruffa ang magkaroon ng karelasyon. Happy na siya sa pag-aalaga sa dalawang anak niya at sa magandang takbo ng kanyang showbiz career.

AMERIKA

BAGUIO CITY

BENJIE PARAS

LAS VEGAS

MIGUEL COTTO

NIYA

PUPUNTA

SHOWBIZ CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with