Kris demanding...Marian gustong naka-Darna sa kampanya
Kung hindi pa nagwaging best actress sa FAMAS si Heart Evangelista, hindi pa magsi-sink in sa aking kamalayan na may pelikula palang Ay Ayeng. Shot in a far-flung barrio in Benguet, Heart plays a teacher who instills in her pupils the importance of education.
Ginawa ni Heart ang movie na iyon in 2006, the year that she and Jericho Rosales had a turbulent romance. Hindi rin nakuhang i-promote ng aktres ang naturang film dahil nagkataon namang may kailangan pang ayusin sa kanyang paglipat sa kuwadra ni Annabelle Rama mula sa Genesis Entertainment of Angeli Pangilinan-Valenciano.
Heart’s acting award, however, came at the right time. Aniya, kung nangyari ito years ago, baka ikinalaki iyon ng kanyang ulo. Speaking of Jericho, isang congratulatory message through text ang ipinadala nito sa kanyang ex-girlfriend saying: “Saludo talaga ako sa ’yo.”
Personally, I, too, admire Heart for being so articulate. Ewan kung ito ang pinakamahalagang kuwalipikasyon para maging karapat-dapat na alaga ni Tita Annabelle.
* * *
Mistulang Buy One, Take One ang real-life partnership nina Dingdong Dantes at Marian Rivera as far as the Aquinos are concerned.
Early on, napisil ng naturang pamilya si Dingdong bilang opisyal na tagapagsalita ng mga kabataan in Senator Noynoy’s presidential bid. Na-touch kasi ang mga Aquino sa tinuran ni Dingdong how he so wanted to relive the day when former Senator Ninoy was felled with fatal bullets. Sana rin daw ay nagsilbing bodyguard ni Ninoy ang aktor.
Ang pagiging Atenista rin ang bentahe ni Dingdong like Kris who’s a Blue Eagle herself.
Sa naging panayam nga ni Ricky Lo kay Kris (Startalk’s anniversary feature kahapon), hindi itinago ng TV host ang malaking paghanga naman kay Marian whom she’s also tapping for her brother’s campaign. Sabi ni Kris, sobra-sobrang saya kung ikakampanya ni Marian ang kanyang Kuya Noynoy sa entablado nang naka-Darna costume!
Hay… sana ang “bato” ay maging “boto”!
* * *
Ondoy-inspired ang tema ng Midnight DJ kagabi na pinamagatang Tubig-Baha. But just when you thought that there were video clips of the destructive typhoon, walang ginamit sa palabas na ito ni Oyo Boy Sotto.
“Sottoful” kung tawagin ang episode kagabi with Oyo’s cousin Gian in the cast with Denise Laurel. Assignment ng “investigating team” ang nalipatang condo unit ni QT (played by Meg Imperial) na pinamamahayan pala ng mga ligalig at nalunod na kaluluwa.
As for Oyo Boy, who’s doing the creepy program on TV5, hindi rin niya maiwasang magbalik-tanaw sa sinapit ng isa pa niyang pinsan, si Miko who fell to his death a few years ago. Sa condo rin kasi somewhere in Mandaluyong City ito nakatira and the closest to Oyo.
- Latest